Higit Pa Sa Salita
Isa si Thomas Aquinas (1225-1274) sa pinakatanyag na tagapag- tanggol ng mga paniniwala ng Simbahan. Isang mahalagang pamana niya ang kanyang Summa Theologica. Pero tatlongtaon bago siya mamatay, may naging dahilan para isantabi niya ang pagsusulat nito. Nang pinagbubulay-bulayan niya ang sugatan at duguang katawan ng kanyang Tagapagligtas, may nakita raw siyang pangitain na hindi niya kayang tapatan ng salita.…
Umawit Ang Buong Mundo
Isang awit para sa isang TV commercial ang nagbigay-inspirasyon sa isang henerasyon. Bilang bahagi ng kampanya ng Coca-Cola, inawit ng grupong tinatawag na The New Seekers ang buong kantang iyon na nanguna sa mga music charts sa buong mundo.
Pero hindi malilimutan ng marami na ang orihinal na version ay inawit ng mga kabataan sa ibabaw ng burol sa labas ng Roma. Naramdaman din…
Kaibigan Ng Kaibigan Ng Dios
May magiliw na nangyayari sa mga bago pa lang nagkakilala kapag nalaman na may kapareho silang kaibigan . Isang halimbawa ng sinasabi, “Ikinagagalak kitang makilala . Ang kaibigan na ni Sam o ni Samantha, kaibigan ko rin .”
May sinabi rin si Jesus na katulad niyan . Maraming tao ang naakit sa Kanya dahil sa pagpapagaling Niya . Pero marami…
Katarungan at Si Jesus
Gusto ni Caesar Augustus (63 BC-AD 14), na unang emperador ng Roma, na makilala bilang pinunong nagpapatupad ng batas at kaayusan. Kahit itinayo niya ang emperyo gamit ang pang-aalipin, panananakop, at panunuhol, ibinalik niya ang ilang angkop na prosesong legal at hustisya.
Nagpasensus din si Caesar kaya nagpunta sina Maria at Jose sa Bethlehem at ipinanganak doon ang hinihintay na…
Bayani, Diktador, at Si Jesus
Galit si Beethoven. Balak niya kasi sanang tawagin ang Third Symphony niya na “The Bonaparte.” Noong panahon ng paniniil, nakita niya si Napoleon bilang bayani at tagapagtanggol ng kalayaan. Pero noong ideklara ng heneral ang sarili bilang emperador, nagbago ang isip ni Beethoven. Tinawag niyang masama at diktador ang dati niyang bayani, at pinilit niyang alisin ang pangalan ni Bonaparte sa…