Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Marvin Williams

IBANG PAG-IYAK

Hindi lang pagkapagod o pagkagutom ang ibig sabihin ng pag-iyak ng isang sanggol. Ayon sa mga doktor sa Brown University, maaaring gamiting indikasyon ng komplikasyon ang ilang mga pagbabago sa pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Meron silang computer program na sumusukat sa tinis, lakas, at linaw ng iyak ng sanggol. Batay dito, maaari nilang malaman kung may problema sa…

PINALAYA MULA SA PAGKAALIPIN

Minsan, nakita ng isang mag-aaral sa ikaanim na baitang na hinihiwa ng kamag-aral niya ang sariling braso gamit ang maliit na labaha. Dahil gusto niyang gawin ang mabuti, kinuha niya ang patalim at agad itinapon. Laking gulat niya nang patawan siya ng sampung araw na suspensyon. Bakit kamo? Saglit kasi niyang hawak ang labaha, at bawal iyon sa paaralan. Tinanong…

MANATILI SA DIOS

Isang aksidente sa tren ang naganap sa bansang Espanya. Sakay ng tren ang 218 katao. Pitumpu’t siyam na katao ang nasawi at 66 naman ang nasugatan mula sa aksidente. Hindi maipaliwanag ng drayber ng tren ang naganap. Pero kitang-kita sa video ang buong pangyayari. Napakabilis ng takbo ng tren hanggang sa sumalpok ito. May tinatalagang bilis ng takbo ang mga…

HUMINGI NG TULONG

Nasa taas na palapag ng isang tindahan ng libro si David Willis. Nang bumaba siya, nakita niyang patay na ang ilaw at nakakandado na ang pinto ng tindahan. Nakulong siya sa loob nito! Agad siyang humingi ng tulong. Nag-iwan siya ng mensahe sa Twitter para sabihing nakulong siya sa loob ng tindahan sa loob ng dalawang oras. Agad na may tumulong…

ISANG BABALA

Noong 2010, isang tsunami ang tumama sa isla ng Sumatra sa Indonesia. Halos apat na raang tao ang namatay sa sakunang ito. Mapipigilan sana ang ganoong trahedya kung gumagana ang instrumentong nagbibigay babala kapag may tsunami na paparating. Nasira kasi ang instrumentong ito at natangay ng alon.

Sinabi rin naman ni Jesus sa Biblia na may responsibilidad ang Kanyang mga alagad na…