Pag-ibig at Kapayapaan
Namamangha ako sa kapangyarihang taglay ng kapayapaan (FILIPOS 4:7) dahil nagagawa nitong payapain ang ating mga puso sa gitna ng pagdadalamhati. Naramdaman ko ito noong libing ng aking tatay. Gumaan ang loob ko nang makita ang isang dating kaibigan. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ipinadama niya sa akin ang kanyang pagmamalasakit at nakapagbigay iyon sa akin ng kapayapaan. Ipinaaalala rin niyang…
Awit Ng Papuri
Maraming kinapapanabikan sa kanyang buhay ang aking ama. Tulad ng nananabik pa rin siyang muling makabalik sa dati niyang buhay sa kabila ng paglala ng kanyang sakit na Parkinson’s. Sa gitna naman ng kanyang paghihirap at kalungkutan, nananabik siya sa kapayapaan. Gayon din naman sa kanyang pag-iisa, kinapapanabikan niya ang maramdaman muli ang mahalin at mapahalagahan.
Nababawasan naman ang lungkot ng…
Nakakatakot na Bagay
May mga bagay na nagdudulot sa atin ng takot tulad ng mga nakasakit sa ating damdamin. Nagiging dahilan ito para hindi tayo makapagpatuloy sa buhay. Iniisip natin na hindi natin kaya at hindi tayo ganoon kalakas o katapang para harapin ang mga bagay na maaaring muling makasakit sa atin.
Natuwa naman ako sa sinabi ng manunulat na si Frederick Buechner tungkol…
Pagmamahal sa Kapwa
Sa librong Wuthering Heights na isinulat ni Emily Bronte, mababasa natin ang isang lalaking magaspang ang pag-uugali. Madalas siyang magbanggit ng mga talata sa Biblia pero ginagamit niya ang mga iyon sa pagpuna sa kahinaan ng ibang tao.
Maaaring tayo rin ay katulad ng lalaking iyon. Mabilis nating napupuna ang pagkakamali ng iba pero hindi naman natin napapansin ang sarili nating…
Pagbabago
Noong bata pa kami, masaya kaming naglalaro ng mga kapatid ko sa labas ng aming bahay kapag bumabagyo. Masaya kaming naglalaro at nagpapadulas sa putikan. Kaya naman, natutuwa ako kapag malakas ang ulan.
Masaya pero nakakatakot maligo sa malakas na buhos ng ulan kapag bumabagyo. Mababasa naman sa Salmo 107 na kailangan ng napakalakas na buhos ng ulan upang maging tubigan…
Hindi Perpekto
Noong nasa kolehiyo pa ako, napansin ng aking guro na gusto kong perpekto palagi ang aking mga ginagawa. Pinayuhan niya ako na kapag nagsusumikap ako na palaging perpekto ang aking mga ginagawa, mahahadlangan nito ang aking pagkatuto. Kung tatanggapin ko raw na hindi perpekto ang aking ginagawa ay mas matututo ako.
Ipinaliwanag din ni Apostol Pablo sa Biblia ang mas malalim…
Pagpapala sa Pagkakamali
Sa tuwing nakakagawa ako ng mali, iniisip ko na ako dapat ang gumawa ng paraan para maayos ito. Kahit na naniniwala ako sa kagandahang-loob ng Dios, iniisip ko pa rin na tutulungan lamang Niya ako kung karapat-dapat akong tulungan.
Pero gayon pa man, kahit hindi tayo karapat-dapat, tutulungan pa rin tayo ng Dios. Pinatunayan Niya ito sa pamamagitan ng buhay ni…
Malayang Pagsunod
Sa isang karera, mabilis mapagod ang sa simula pa lamang ay nangunguna na kaya malabong maipanalo nila ang laban. Sabi ng aking coach, mas bigyang pansin ko ang mga kalabang alam kong mabilis tumakbo dahil sila ang magtatakda ng bagal at bilis ng laban hanggang sa huli.
Kung nakakapagod ang pangunguna, nakakapagpalaya naman ang pagsunod. Madalas akong nagiging biktima ng kaisipang…