Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Monica La Rose

Kakaibang Kabaitan

Nang katatapos ko pa lamang ng kolehiyo, nagpasya akong magtipid. Ipinagkakasya ko ang aking pera na nakalaan para sa buong linggo. Minsan, namili ako. Nagkulang ang pera ko sa mga kinuha kong dapat bilhin. Kaya naman, sinabi ko sa kahera na iiwan na lang ang iba kapag hindi na sakto sa pera ko. Nabili ko naman ang lahat, maliban sa isang…

Tamang Pamumuhay

Nagbabasa ako ngayon ng mga libro tungkol sa pagiipon. Napansin ko na parang pare-pareho ang sinasabi ng karamihan sa mga aklat. Ang pangunahing dahilan daw kung bakit nag-iipon ang isang tao ay para maging milyonaryo siya sa hinaharap. Pero may isang libro na iba ang mungkahi. Sabi sa aklat, ang pamumuhay ng simple ay kinakailangan para maging mayaman. Idinagdag din ng…

Nagbagong Buhay

Minsan, nagkakaroon ng malaking pagbabago sa ating buhay dahil sa impluwensiya ng iba. Nangyari ito sa buhay ng sikat na mang-aawit na si Bruce Springsteen. Sinabi ni Bruce, “Maaari mong mabago ang buhay ng isang tao sa loob ng 3 minuto sa pamamagitan lamang ng nilalaman ng iyong kanta.”

Tulad ng makabagbag-damdaming awitin, makakapagbigay din naman ng pag-asa ang ating…

Tunay na Pagbabago

“Saan ba dapat nagmumula ang pagbabago, sa panlabas na anyo o sa ating kalooban?” Ang tanong na ito ay may kaugnayan sa pananaw ng mga tao ngayon. Mas gaganda raw ang pananaw natin sa ating sarili kung babaguhin natin ang ating panlabas na anyo gaya ng pag-iiba sa estilo ng buhok o pananamit. Nakakaengganyo ang kaisipang ito para sa mga…

Sa Bisig ng Dios

Minsan, nakasama kong kumain ang kapatid ko at ang kanyang mga anak. Nang malapit na kaming matapos kumain, sinabi ng kapatid ko sa anak niyang si Annica na maghanda nang matulog. Mangiyak-ngiyak namang sinabi ni Annica, “Pero hindi pa ako kinakarga ni Tita Monica.” Nakangiting sumagot ang kapatid ko, “Sige, kakargahin ka muna niya bago ka matulog."

Habang karga ko si…

Pagsasaayos ng Dios

Hindi ko mapigilang basahing muli ang talaarawang gamit ko noong nasa kolehiyo pa ako. Habang binabasa ko ito, napagtanto ko na malaki na ang ipinagbago ko ngayon kumpara sa dati. Napakahirap kasi para sa akin noon ang mga dinaranas kong lungkot at pag-aalinlangan sa aking pananampalataya. Pero habang binabalikan ko ang mga dating pangyayari, mas naging malinaw sa akin na tinulungan…

Gantimpala

Nang minsang bumisita ako sa bahay ng aking kapatid, sabik na ipinakita sa akin ng mga pamangkin ko ang bagong sistemang ipinapatupad sa kanilang bahay. Nagkakaroon sila ng puntos kapag nagawa nila ang kanilang gawaing bahay at nababawasan naman sila ng puntos kapag hindi nila ito ginawa bilang parusa. Gagantimpalaan naman ang makakakuha ng pinakamataas na puntos. Dahil sa sistemang ito,…

Alisin Natin

Nagpasya akong lumipat ng kuwarto kamakailan lang. Hindi naging madali ang paglipat ko. Ayaw ko na kasing dalhin pa ang mga gamit na hindi ko na kailangan dahil magiging kalat lang ito sa bago kong kuwarto. Inalis ko ang mga ito sa luma kong kuwarto para ipamigay at itapon. Tumagal man ako sa paglilinis at pag-aalis ng mga gamit, sulit naman…