Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Mike Wittmer

Tunay na Kapahamakan

Maituturing na kalunos-lunos na trahedya ang malulong sa heroin. Kapag nalulong ang isang tao sa drogang ito, hindi na siya hihinto at gugustuhin na mas damihan pa ang paggamit kahit maaari na niya itong ikamatay. Hindi alintana ng mga lulong sa heroin kahit mabalitaan pa nila na may namatay dahil dito. Mas nakatuon sila sa kung saan sila makakuha ng bawal…

Tamang Pagtulong

Habang nakahinto ako sa pagmamaneho, muli kong nakita sa tabing-daan ang lalaking nakita ko na noon. May hawak siyang karatula: Kailangan ko ng pera pangkain. Makakatulong kahit magkanong halaga. Ibinaling ko sa iba ang paningin ko at napabuntong hininga. Isa ba akong klase ng tao na hindi pumapansin sa mga nangangailangan?

May ibang tao na nagpapanggap lang na nangangailangan sila. May…

Parangal para sa Iyo

Nalungkot ako sa pagpanaw ng isang babaeng matapat na naglilingkod sa Panginoon. Simple lamang ang kanyang naging buhay at hindi rin siya gaanong kilala sa aming lugar. Pero lubos ang pagmamahal niya kay Jesus at sa kanyang pamilya. Masiyahin din siya at mapagbigay.

May sinabi naman sa Mangangaral 7:2 ng Biblia, “Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan.” Sinabi…

Ministro para sa Nalulungkot

Nang mamatay ang asawa ni Betsy, nagkulong lamang siya sa kanyang bahay at ginugol ang panahon sa panonood ng telebisyon at pag-inom ng tsaa. Pero hindi siya nag-iisa, mahigit 9 na milyong Briton ang nagsabi na lagi silang nalulungkot. Dahil doon, nagtalaga ang kanilang bansa ng isang ministro para sa mga nalulungkot. Layunin nito na malaman kung bakit sila nalulungkot at…

Paglingkuran ang Mahina

Mapapanood sa isang video ang isang lalaki na nakaluhod sa tabi ng daan kung saan may nasusunog na mga halaman. Sumesenyas ang lalaki para lumabas ang isang uri ng hayop mula sa nasusunog na halaman. Ano kaya ang naroon? Aso kaya ito? Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas ang isang kuneho. Kinuha ng lalaki ang kuneho at saka dinala palayo sa sunog.…