Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Patricia Raybon

SI CRISTO ANG TUNAY NA ILAW

Pagkalabas namin ng elevator, wala kaming makita ni isang tao na magtuturo sa amin papunta sa mga pintuan palabas—at sa nakakasilaw na liwanag ng araw sa Colorado. Habang naglalakad kami sa mga kalahating-liwanag ng pasilyo, sa wakas nakatagpo kami ng isang lalaking napansin ang aming kalituhan. “Parang magkakapareho ang mga pasilyong ito,” sabi niya, “pero naroon ang labasan.” Sa kanyang…

LUBOS NA MAGTIWALA

Minsan, nagulat ako sa bumungad sa akin nang buksan ko ang aming bintana. Wala akong makita kundi makapal na pader ng hamog. Ayon sa balita, “freezing fog” daw ito, na bihira sa aming lugar. Sinabi pa sa balitang mawawala raw ito makalipas ang isang oras at masisilayan na namin ang araw. Sinabi ko sa aking asawa na imposibleng mangyari iyon. Pero…

KAHABAGANG TUMUTUGON

Hindi talaga gumagawa ng mga upuan si James Warren. Pero minsan, nakita niyang nakasalampak sa sahig ang isang babae habang naghihintay ng bus sa Denver. Dahil dito, naghanap siya ng mga retasong kahoy at bumuo ng upuan. Nilagay niya ito doon sa bus stop, na agad ginamit ng mga tao. Napansin din ni Warren na marami sa siyam na libong…

WALANG HANGGANG SIMBAHAN

"Tapos na ba ang pagsamba ngayong araw?" tanong ng kararating lang na nanay na kasama ang dalawang maliliit na bata. Sinabihan siya ng isang nagboboluntaryo na may pangalawang worship service sa kalapit na simbahan at malapit na itong magsimula. Inalok niyang ihatid ang mag-iina. Tinanggap naman ito ng ina at nagpasalamat. Kinalaunan, mas napag-isipan ng nagboboluntaryo ang tanong ng ina: “Tapos…

ANG KAPANGYARIHAN NG TIYAGA

Noong 1917, tuwang-tuwa ang isang mananahi nang makapasok siya sa isang sikat na paaralan ng pagdidisenyo ng damit sa lungsod ng New York sa Amerika. Ngunit nang dumating si Ann Lowe Cone mula sa Florida para magpatala, itinaboy siya ng direktor ng paaralan: “Prangkahin na kita, Mrs. Cone. ‘Di namin alam na Negra ka.” Pero ayaw niyang umalis kaya bumulong…