Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Patricia Raybon

Tara, Merienda Muna!

Fika ang pangalan ng kapihan sa aming lugar na malapit din sa aking bahay. Isa itong wikang Swedish na ang ibig sabihin ay tumigil sandali para uminom ng kape at kumain ng tinapay kasama ang iba. Ipinapaalala sa akin ng salitang Fika ang isa sa mga gustong-gusto ko tungkol kay Jesus. Ito ay ang paglalaan ni Jesus ng panahon para tumigil sandali…

Nakikita ng Dios

Isa akong nearsighted. Ibig sabihin, ang malalapit na bagay lamang ang aking malinaw na nakikita. Kaya naman, nagulat ako nang matanggap ko ang una kong salamin sa mata. Nakikita ko na kasi nang malinaw ang lahat tulad ng nakasulat sa pisara, ang maliit na dahon sa puno at ang magagandang ngiti ng mga tao kahit malayo.

Nang ngitian naman ako ng…

Tumulong

Humingi ng tulong ang isang lalaki sa kanyang kapamilya para sa kanyang bayarin. Mabigat para sa kanila na tulungan siya dahil marami din silang mga dapat bayaran. Pero kahit ganoon, ginawa nila ang lahat para tulungan siya.

Sumulat ang lalaki sa kanila bilang pasasalamat, “Lagi na lang kayong tumutulong, pero iniisip n’yo na maliit na bagay lang ito.”

Hindi maliit…

Pagsunod sa Lider

Humanga kami ng asawa ko nang minsang makita namin ang tatlong jet fighter na nasa himpapawid. Para kasing iisa lang sila dahil maayos silang nakahanay habang lumilipad na magkakalapit.

Paano kaya nila iyon nagagawa? Maaaring ito ay dahil sa pagiging mapagpakumbaba ng mga piloto. Makikita ang kanilang pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanilang lider. Hindi nila pinagpipilitan ang gusto nilang bilis…

Magtiwala kay Jesus

Minsan, naghanap kami ng mekaniko para ayusin ang aming sasakyan. Dahil mukhang bata pa ang nahanap naming mekaniko, nag-alinlangan ang asawa ko. Iniisip niya na baka hindi nito kayang ayusin ang sasakyan namin. Ang pag-aalinlangan ng asawa ko sa mekanikong iyon ay maihahalintulad sa pag-aalinlangan ng mga taga Nazaret kung sino talaga si Jesus at kung ano ang kaya Niyang gawin.…