Paglilinis
Dalawang beses na inawit ng dalawang bata ang kantang Happy Birthday habang naghuhugas ng kamay. Ganoon daw kasi katagal bago mawala ang mga dumi sa kanilang mga kamay, ayon sa kanilang ina. Kaya naman bago pa man ang pandemya, natutunan na nilang hindi magmadali sa paglilinis ng kanilang kamay.
Itinuro sa atin ng pandemya ang masusing proseso ng paglilinis ng mga…
Tagumpay Sa Dios
Isa ang kabayong si Drummer Boy na nakasama sa labanan ng mga sundalong taga-Britanya noong taong 1854. Kahit na sugatan si Drummer Boy sa pakikipaglaban, nagpakita pa rin ito ng katapangan, kalakasan at hindi pagsuko. Kaya nagdesisyon ang namuno sa labanan na si Lieutenant Colonel de Salis na dapat ding bigyang parangal ang kabayong si Drummer Boy kasama ng matatapang…
Kilala Ng Dios
Umalis kami sa simbahan na matagal na naming dinadaluhan dahil nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro doon. Pero makalipas ang tatlong taon, nagkaroon muli kami ng pagkakataon na makasama sila. Nag-aalinlangan ako bago kami muling makipagkita sa kanila. Iniisip ko kung paano nila kami tatanggapin at kung napatawad na kaya nila kami dahil sa aming pag-alis.
Pero nawala…
Dakilang Pagmamahal
Hindi kilala bilang mga bayani ang apat na pastor na sakay ng isang lumubog na barko. Pero noong Pebrero 1943, panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig, ginawa ng apat na pastor ang lahat para palakasin ang loob ng mga natatakot na sundalo.
Nang maubos na ang life jacket agad nilang hinubad ang kanilang suot at ibinigay ito sa mga kabataang lalaki na natatakot.…
Ligtas
Masayang hinihintay ng tribong Kandas mula sa Papua New Guinea ang pagdating ng Bibliang isinalin sa wika nila. Pero, kailangang dumaan sa karagatan ang maliliit na bangka sakay ang mga taong may dala ng mga Biblia. Ano ang nagbibigay ng lakas ng loob sa mga ito para maglakbay sa mapanganib na dagat? Maliban sa sanay silang magpalaot, nakikilala nila kung…