Pagpapasalamat
Noong bago pa lang akong sumasampalataya kay Jesus, isinusulat ko ang mga dapat kong ipagpasalamat sa Dios. Kung minsan, naisusulat ko agad ang mga ipinagpapasalamat ko. Kung minsan naman, umaabot pa ng isang linggo bago ko maisulat ang mga iyon.
Magandang makasanayan ang pagsusulat ng mga papuri’t pasasalamat sa Dios. Gusto ko ulit iyon makasanayan. Malaking tulong kasi iyon para lagi…
Para Sa Lahat
Malapit sa tinitirhan ko ang MacPherson Gardens. Nasa mga 230 pamilya ang nakatira roon. May kanya-kanyang kuwento ng buhay ang bawat isa sa kanila. Isa na rito ang matandang babae sa ika-sampung palapag na mag-isa na lang dahil nagsipag-asawa na ang kanyang mga anak. Buo naman ang pamilya na nakatira malapit sa kanya. Ang isang binata nama’y nagtatrabaho bilang sundalo.…
Bantayan ang Bibig
Nagbakasyon sa Japan si Cheung at ang pamilya niya. Bago sila umuwi, plinano nilang kumain muna sa isang kilalang kainan doon. Pero hindi sila natuloy dahil naubos ang oras nila kakahanap. Hindi kasi nakuha ng asawa ni Cheung ang direksiyon papunta roon. Nagalit si Cheung at pinagsabihan ang asawa niya dahil sa pagkakamali nito.
Kinalaunan, pinagsisihan ni Cheung ang masasakit na…
Pantatak
May nahukay ang mga arkeologo na isang lumang pantatak ng hari sa may Jerusalem. Matagal pa bago nila nadiskubre kung gaano iyon kahalaga nang suriin iyon ng isang dalubhasa. Pag-aari pala ng dating hari ng Juda na si Hezekias ang halos 3,000 libong taong gulang na pantatak na iyon.
Makikita sa gitna ng pantatak ang hugis araw na may dalawang pakpak.…
Sinabi ni Simon
Isang tagapagturo si Refuge Rabindranath sa bansang Sri Lanka. Sampung taon na siyang nagtuturo sa mga kabataan. Nakikipaglaro siya sa mga bata, nakikinig sa kanila, ginagabayan at tinuturuan sila. Masaya siyang kasama ang mga kabataan. Pero may pagkakataon na nadidismaya at nalulungkot si Refuge kapag may bata na umaalis at hindi na nagtitiwala kay Jesus.
Minsan, pakiramdam ni Refuge na katulad…
Magtulungan Tayo
May dalawang atleta ang umagaw sa atensyon ng marami noong 2016 Rio Olympics sa paligsahan ng pagtakbo. Habang tumatakbo, nagkabanggaan sina Nikki Hamblin at Abbey D’Agostino at parehas silang natumba. Nakatayo agad si Abbey at agad niyang tinulungang makatayo si Nikki. Muling tumakbo ang dalawa pero ilang sandali lang ay biglang nanghina si Abbey dahil sa pilay na natamo niya mula…
Magpatawad
Naramdaman ni Tham Dashu na tila may kulang sa buhay niya. Kaya, pumunta siya sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus kung saan dumadalo ang kanyang anak. Hindi sila magkasabay na pumupunta roon dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan na mag-ama. Kaya naman malayo ang loob nila sa isa’t isa. Pumapasok si Tham kapag nagsisimula na ang pag-awit ng papuri sa Dios…
Hindi Nagbabago
Minsan, nabasa ko ang isinulat ng kaibigan ko na nakaraos sa mga pinagdaanan niyang pagsubok. Sinabi niya, “Napakaraming nagbago at nakakatakot ang mga pagbabago. Walang nananatili, lahat nagbabago." Totoo naman iyon. Sa loob nga lang ng dalawang taon, marami na ang mangyayaring pagbabago. May pagbabago sa trabaho, may bagong kaibigan, may magkakasakit at may mamamatay. Mabuti man o masama, maaaring mangyari…