Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Poh Fang Chia

Hindi Ikaw

Si Haring David ang nagplano at nagdisenyo ng templo na itatayo para sa Dios. Siya rin ang nag-ipon ng mga materyales at iba pang kakailanganin para maitayo ito (tingnan ang 1 Cronica 28:11-19). Pero hindi si David ang nagtayo ng kauna-unahang templo sa Jerusalem kundi si Solomon na anak niya.

Sinabi kasi ng Dios kay David, “Hindi [ikaw] ang magtatayo ng…

Magmahal nang Tama

Nanginginig ang boses ng isang nanay habang ikinukuwento ang problema niya sa kanyang anak na babae. Kinumpiska raw ng nanay ang cellphone ng anak at sinasamahan niya ito saan man magpunta. Hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-ina. Nang kausapin ko naman ang bata, nalaman ko na mahal niya ang kanyang nanay pero nahihirapan siya sa kahigpitan nito. Gusto niya…

Hindi Magkukulang

Isipin natin kung magbibiyahe tayo nang wala man lang dala na kahit ano. Walang pera o pampalit na damit. Parang nakakatakot dahil hindi natin alam ang mangyayari sa atin.

Pero iyon mismo ang nangyari sa mga alagad ni Jesus. Inutusan noon ni Jesus ang Kanyang mga alagad na pagalingin ang mga may sakit at ipahayag ang tungkol sa pagliligtas na gagawin…

Bagong Buhay

Sobrang nasaktan ang batang si Ravi sa sinabi ng kanyang ama. Sinabi nito kay Ravi, “Wala kang silbi, kahihiyan ka lang sa pamilya.” Kaya, kahit naging matagumpay siya sa sports, pakiramdam niya ay wala pa rin siyang silbi at isa pa ring talunan. Iniisip ni Ravi kung totoo ba siyang talunan. Iniisip niya din kung mamatay na lang kaya siya sa…

Hampas ng Kaibigan

Si Charles Lowery ay manunulat sa isang magasin. Idinaing niya sa kanyang kaibigan ang pananakit ng kanyang likod. Inasahan niyang maaawa ang kanyang kaibigan pero ganito ang sinabi nito sa kanya: “Sa palagay ko’y hindi likod ang problema mo kundi tiyan. Sa sobrang laki ng tiyan mo, nahihirapan na ang likod mo.”

Isinulat ni Charles sa isang magasin na sinikap niyang…