Ituring Na Kapatid
Hiniling ng lider namin na kausapin ko si Karen nang sarilinan. Mugto ang mata at luhaan ang pisngi ni Karen nang makita ko. Apatnapu’t-dalawang taong gulang siya at nais makapag-asawa. May manliligaw – ang boss niya – pero may asawa na. Kinalakihan ni Karen ang malupit na panunukso ng kapatid na lalaki at ang hindi pagpapakita ng pagmamahal ng ama. Maaga…
Hindi Pa Tapos Ang Kuwento
Nang matapos ang British drama na Line of Duty, napakaraming nanood para malaman kung paano matatapos ang pakikipaglaban ng bida sa mga sindikato. Pero nadismaya sila nang ipahiwatig ng katapusan na mananaig ang masama. “Gusto kong madala sa hustisya ang masasama,” sabi ng isang manonood. “Kailangan namin ng magandang katapusan.”
Minsang naitala ng sociologist na si Peter Berger na gutom ang mga tao sa…
Paghahanap Ng Kanlungan
Minsang nanatili ako at ang asawa ko sa isang magandang hotel sa tabi ng dagat. May malalaki itong bintana at makakapal na batong pader. Isang hapon, dumaan ang bagyo doon, binulabog ang dagat at parang mga kamaong sumusuntok sa bintana ang hampas ng tubig. Pero payapa kami. Sobrang tibay ng mga pader, at matatag ang pundasyon ng hotel! Habang nagngangalit ang…
Talinghaga Sa Pag-aasawa
Matapos ang 22 taon ng pagsasama, minsan napapaisip ako kung paano gumagana ang kasal namin ni Merryn. Manunulat ako; statistician siya. Mga salita ang tinatrabaho ko; siya numero. Galing kami sa magkaibang mundo. Sinusubukan ko ang mga bagong pagkain sa menu; siya pareho pa rin ang oorderin. Pagkatapos ng 20 minutos sa art gallery, nagsisimula pa lang ako; pero si Merryn…
Tinawag Para Lumago
Kakaibang nilalang ang sea squirt. Nakadikit sila sa mga bato at kabibe, mukhang malambot na tubong plastik na gumagalaw ayon sa agos ng tubig. Kumukuha ito ng nutrisyon mula sa tubig na dumadaan, namumuhay nang walang kibo, malayo sa dating aktibo nitong kabataan.
Nagsisimula ang buhay ng sea squirt bilang tadpole na may gulugod at utak na tumutulong para makahanap ito ng…