Talinghaga Sa Pag-aasawa
Matapos ang 22 taon ng pagsasama, minsan napapaisip ako kung paano gumagana ang kasal namin ni Merryn. Manunulat ako; statistician siya. Mga salita ang tinatrabaho ko; siya numero. Galing kami sa magkaibang mundo. Sinusubukan ko ang mga bagong pagkain sa menu; siya pareho pa rin ang oorderin. Pagkatapos ng 20 minutos sa art gallery, nagsisimula pa lang ako; pero si Merryn…
Tinawag Para Lumago
Kakaibang nilalang ang sea squirt. Nakadikit sila sa mga bato at kabibe, mukhang malambot na tubong plastik na gumagalaw ayon sa agos ng tubig. Kumukuha ito ng nutrisyon mula sa tubig na dumadaan, namumuhay nang walang kibo, malayo sa dating aktibo nitong kabataan.
Nagsisimula ang buhay ng sea squirt bilang tadpole na may gulugod at utak na tumutulong para makahanap ito ng…
Kagandahang-loob Ng Dios
Kuwento ng isang negosyante na noong nasa kolehiyo, madalas siyang malugmok at mawalan ng pag-asa dahil sa depresyon. Imbes na magpadoktor, gumawa siya ng marahas na plano: nagsabi siya sa Aklatan na hihiram ng libro tungkol sa pagpapakamatay at nagplano kung kailan magpapakamatay.
Makikita sa Biblia na may malasakit ang Dios sa mga tulad niya. Nang nagnais mamatay si Jonas,…
Magbigay at Magalak
Sabi ng mga mananaliksik may ugnayan ang pagkamapagbigay at kagalakan: mas masaya ang nagbibigay ng pera at oras sa iba kaysa sa hindi. Sabi ng isang sikologo, “Huwag na nating isipin ang pagbibigay bilang moral na pananagutan at simulan itong isipin bilang pinagmumulan ng kasiyahan.”
Nakakapagdulot man sa atin ng kasiyahan ang pagbibigay, pero kasiyahan ba talaga ang dapat na…
Sa Huli
Madalas akong mamuno sa mga espirituwal na retreat. Biyaya ang paglayo ng ilang araw para magdasal at magmunimuni. Isa ito sa ipinapagawa ko sa mga kalahok: “Pag-isipan ito – natapos na ang buhay mo at nasa obitwaryo na ang pangalan mo para ipaalam sa tao ang iyong pagpanaw. Ano ang gusto mong nakasulat dito?” Ilang kalahok ang nagbago ng prayoridad…