Panalanging May Pananalig
Pagkatapos ng matagal na paghihintay, natuwa ang mag-asawang Richard at Susan nang malamang magkakaanak na sila. Pero, dahil sa mga komplikasyon, nanganganib ang buhay ng sanggol. Ipinanalangin ni Richard ang kanyang mag-ina, hanggang isang gabi, napagtanto ni Richard na nangako na ang Dios na iingatan Niya ang kanyang mag-ina, kaya di na niya ito kailangan pang mataimtim na ipanalangin.
Pagkaraan…
Mga Anak Ng Dios
Minsan, naimbitahan ako na magbigay ng mensahe sa mga mag-asawa na hindi pinagkalooban ng Dios na magkaroon ng anak. Nakakasimpatya ako sa kanila dahil kami ring mag-asawa ay hindi nagkaroon ng sarili naming anak. Pero ito ang sinabi ko sa mga dumalong mag-asawa upang lumakas ang kanilang loob: “Maaari pa ring maging buo ang ating pagkatao kahit hindi tayo naging…
Tunay Nating Sarili
Minsan, tiningnan ko ang lumang photo album ng aking mga magulang. Nandoon ang mga larawan ko noong bata pa ako na mataba ang mukha. Nandoon din naman ang mga larawan ko noong nagbibinata na ako at payat na aking mukha. Napakalaki ng ipinagbago ng aking hitsura at mga kinahihiligan habang tumatanda ako. Ayon sa mga dalubhasa, magkaiba raw ang ngipin, dugo…
Pinatawad Na
Sa aklat na Human Universals na isinulat ng antropologong si Donald Brown, mayroon daw halos apat na raang iba’t ibang uri ng ugali ang mga tao. Nakasaad din sa libro ang konsepto ng tama at mali. Ayon kay Brown, kabilang sa mga mabuting gawain ang pagtulong sa iba at pagtupad sa mga pangako. Maling gawa naman ang hindi pagpapatawad at pagpatay.…
Pansinin Ang Nilikha Niya
Bumisita kami ng kaibigan ko sa paborito kong pasyalan. Umakyat kami sa burol at naglakad sa bukid na puno ng mga bulaklak at matataas na puno. Tapos, bumaba kami sa isang lambak. Saglit kaming tumigil at nagpahinga. Napansin namin ang mga ulap sa ibabaw namin. Nakita din namin ang pag-agos ng isang malapit na sapa. Tanging ang nadidinig namin sa…