Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

Pag-aayuno

Sinabi ng aking mentor na maganda raw na paraan ang pag-aayuno para mas maituon ko ang aking atensyon sa Dios. Pero hindi naging madali para sa akin ang magtiis ng gutom. Nahirapan din ako na manangan sa Banal na Espiritu para magkaroon ng kapayapaan, lakas at lalo na ng pagtitiis. Napaisip tuloy ako kung paano kaya nagawang mag-ayuno ni Jesus sa…

Inaasam

Ang Ode Maritima ay isang tula na isinulat ng Portuges na si Fernando Pessoa tungkol sa pier. Sa tula, ang pier ang sumasagisag sa nararamdaman o inaasam ng mga tao. Lubos ang nararamdaman nating lungkot kapag may mahal tayo sa buhay na umaalis o nawawalay sa atin tulad ng pag-alis ng barko. Nalulungkot din tayo kapag may mga pangarap tayo sa…

Sa Huling Sandali

Minsan, kinailangan akong isugod sa ospital. Bago maisara ang pinto ng ambulansya, tinawag ko ang aking anak. Kausap niya noon sa telepono ang aking asawa. Sinabi ko sa kanya, “Pakisabi sa nanay mo na mahal na mahal ko siya.”

Dahil maaaring iyon na ang huling sandali ng aking buhay, gusto kong ipaalam sa asawa ko kung gaano ko siya kamahal. Iyon…

Kapakanan ng Iba

Sinadya ng mahusay na basketbolistang si Jordan Bohannon ng Universty of Iowa na hindi ipasok ang kanyang free throw. Makakagawa sana siya ng kasaysayan para sa kanyang koponan sa araw na iyon. Malalampasan niya dapat ang naitalang record ng kanilang dating manlalarong si Chris Street, 25 taon na ang nakakaraan. Nakatala si Chris noon ng 32 na magkakasunod na free throw.…

Ang Labanan

Sa gitna ng labanan at pagputok ng mga kanyon, taimtim na nanalangin ang isang batang sundalo, “Panginoon, kung makakaligtas po ako dito, mag-aaral po ako sa Bible school.” Dininig naman ng Dios ang kanyang panalangin. Nakaligtas ang aking ama sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kaya naman, nag-aral siya sa Moody Bible Institute at iginugol ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Dios.

May…