Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

Hindi ko Kaya

“Hindi ko kaya!” Ito ang nasabi ng isang mag-aaral na nahihirapan sa paggawa ng kanyang proyekto. Kailangan niya ang tulong ng kanyang guro. Maaaring makaranas din tayo ng ganoong kalungkutan kung mababasa natin sa Biblia ang Sermon sa Bundok na itinuro ni Jesus. “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway” (MATEO 5:44). Ang pagkapoot sa iba ay tulad din ng pagpatay (T…

Ang Dios ng Lahat

“Kapag sumisid ka sa ilalim ng dagat at kumuha ka ng lamang dagat, makakakita ka ng mga bagong lahi ng isda.” Iyan ang sinabi ng marine biologist na si Ward Appeltans. Sa loob ng isang taon ay nakapagtala siya ng 1,451 na mga bagong lahi ng isda.

Sa Job 38-40 ay ipinaalala ng Dios kay Job ang mga mabubuting dulot ng…

Pag-ibig ng Ama

Tumalikod ako sa Dios at naging rebeldeng anak sa aking mga magulang noong 20 taong gulang ako. Gabing-gabi na ako kung umuwi sa aming bahay. Pero minsan, bigla kong naisip na dumalo sa simbahan kung saan pastor ang aking ama. Nagbihis ako at naghandang pumunta doon.

Hindi ko makakalimutan ang kasiyahan ng aking ama nang makita niya ako. Ipinakilala niya agad…

Nagpapatawad

Dumalo ako sa isang kasalan kung saan galing sa magkaibang lahi at kultura ang ikinasal na lalaki at babae. Pinaghalo sa seremonya ng kanilang kasal ang magkaiba nilang tradisyon at paniniwala.

Sa Lumang Tipan ng Biblia, sinabi ni propeta Zefanias na maaaring humantong sa pagkakasala ang pagsasama-sama ng iba't ibang paniniwala tungkol sa Dios. Tinatawag itong syncretism. Nangako ang mga Judio…

Pagpaparangal

Pagkatapos ng dalawang dekadang paninilbihan niya bilang piloto ng helikopter, inilaan na lang ni James ang panahon niya sa pagtuturo sa kanilang lugar. Pero hinahanap-hanap niya pa rin ang dating ginagawa kaya pumasok siya bilang piloto ng helikopter sa isang ospital. Nagtrabaho siya dito hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Kaya naman noong inilibing siya, nagpalipad din ng helikopter paikot…

Maling Akala

Inakala ng asawa ko na mga unggoy ang gumagawa ng ingay sa aming bakuran. Nakapagtataka kung ganoon nga dahil 2,000 milya ang layo namin sa lugar ng mga ligaw na unggoy. Maya-maya pa, dumating ang aking biyenan at sinabing hindi naman nga unggoy iyon kundi malaking kuwago. Mali pala ang inakala ko.

Maling akala rin ang nangyari noon sa hukbo ni…

Hinuhusgahang Pinagmulan

“Saan ka nagmula?” Ito ang madalas nating itanong upang makilala ang isang tao. Pero para sa iba, mahirap itong sagutin. Minsan ay ayaw nating magbigay ng mga detalye.

Sa libro ng Mga Hukom, si Jefta ay maaaring ayaw sagutin ang ganitong klaseng katanungan sa kanya. Ang kanyang mga kapatid ay hinabol siya sa kanyang sariling bayan sa Gilead dahil sa “hindi…

Sa Kabila ng Lahat

Sumikat si Susannah Cibber dahil sa kanyang galing sa pag-awit pero nakilala rin siya dahil sa mga eskandalong kinasangkutan niya. Kaya naman, nang itanghal ang Handel’s Messiah sa Dublin noong 1742, marami ang hindi naging masaya na kasama siya sa pagtatanghal.

Sa pagtatanghal ni Cibber, inawit niya ang bahaging ito na tungkol kay Jesus, “Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao;…

Ang Salita ng Dios

Natutuwa ang mga nagsasanay sa pagkasundalo noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig sa tuwing makakatanggap sila ng mga liham mula sa kanilang pamilya. Ikinukuwento nila sa kanilang mga sulat ang iba’t iba nilang mga nakakatuwa at malulungkot na mga karanasan.

May isang sundalo naman ang nagsabi na hindi lamang puro nakakatawang pangyayari ang dapat ikuwento sa kanilang pamilya. Sumulat siya sa…

Tumubo sa Tamang Lugar

Gusto kong hayaan nalang ang isang puno ng mais na tumubo sa taniman ko ng kadyos. Pero sabi ng tatay ko, “Tumutubo ang damong ligaw kung saan hindi siya dapat tumubo.” Nais niyang iparating na bunutin ko ang mais. Wala raw itong magandang maidudulot sa aking pananim. Kukunin lang daw nito ang mga sustansya na para sa mga kadyos.

Hindi naman…