Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

MENSAHE NG MGA PROPETA

Nagbigay ng hula ang sportswriter na si Hugh Fullerton tungkol sa 1906 World Series ng larong baseball. Inaasahan noon ng marami na mananalo ang Chicago Cubs. Pero ayon kay Fullerton, matatalo sila sa una at ikatlong laro. Uulan rin daw sa ikaapat na laro. Nagkatotoo lahat ng ito. Noong 1919 naman, sinabi niyang may mga manlalaro na sadyang nagpapatalo. Hinala niya, binayaran…

NAWALA NA ANG LAHAT

Ang saklap ng tiyempo. Matapos makaipon ng kaunting yaman mula sa paggawa ng mga tulay, monumento, at malalaking gusali, naisip ni Cesar na magsimula ng bagong negosyo. Kaya ibinenta niya ang unang negosyo. Inihulog muna niya sa bangko ang pera na sana’y gagamiting pangpuhunan. Pero ‘di nagtagal, sinamsam ng gobyerno nila ang lahat ng ari-ariang nasa pribadong bangko. Ang ipon…

MGA SAKSI

Sa tulang The Witnesses (Mga Saksi), inilarawan ni Henry Wadsworth Longfellow (1807-1882) ang lumubog na barko ng mga alipin. Sa pagsulat niya ng “kalansay na nakagapos,”ipinagluksa niya ang napakaraming biktima ng pang-aalipin. Ito ang huling taludtod ng tula: “Ito ang pighati ng mga Alipin, / Nakatitig sila mula sa kailaliman; / Humahagulgol mula sa hindi alam na libingan, / Tayo ang…

MAGTIWALA SA DIOS

Nagkaroon ng rebelyon at kaguluhan sa bansang tinitirahan ni David. Naghasik ng kalupitan at takot ang militar sa pamamagitan ng pagpatay sa mga taong nagtitiwala sa Dios. Dahil nawalan ng kabuhayan, napilitan si David at pamilya niya na lumikas. Napunta ang pamilya niya sa iba’t ibang bansa. Napahiwalay si David sa pamilya niya sa loob ng siyam na taon. Maraming…

GUMAWA NANG TAMA

Nag-aalaga kami ng asawa ko ng mga asong magsisilbing katulong ng mga taong may kapansanan. Bahagi ng pagsasanay ng mga aso ang pag-aalaga sa kanila ng mga bilanggo. Si Jason ay isang bilanggong tumutulong sa pag-aalaga ng mga aso. Nagulat ang asawa ko nang makatanggap ng sulat mula rito. Ibinahagi ni Jason ang malungkot niyang nakaraan. Pero sinabi niya, “Si…