Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Winn Collier

PINAGANDANG BASURA

May kuwintas at pares ng hikaw na galing sa bansang Ethiopia ang asawa kong si Miska. Kitang-kita ang simpleng kagandahan nito, na nagpapakita ng tunay na sining. Pero higit sa ganda, mas nakakahanga ang kuwento sa likod ng pagkakalikha nito. Matindi ang digmaan at patuloy ang kaguluhan sa Ethiopia, kaya puno ng mga basyo ng bala ang kanilang mga lupain.…

PANINGING NAKATUON SA DIOS

Minsan, nagkuwento ang pastor na si Thomas Chalmers tungkol sa isang karanasan niya habang nakasakay sa karwaheng hila ng kabayo. Dumaan sila sa gilid ng bundok. Makitid ito at may matarik na bangin sa tabi. Biglang nataranta ang isa sa mga kabayo, at sa takot ng kutsero na mahulog sila, paulit-ulit niyang nilatigo ang kabayo. Nang makalampas na sila sa…

PUSONG MAPAGBIGAY

Isa sa masasayang tradisyon tuwing Pasko ang bigayan ng mga regalo. Madalas may nag-iikot pang Santa Claus na nagreregalo sa mga bata. Ayon sa tradisyon, hango ang karakter na Santa Claus sa buhay ni Nikolas, isang lingkod ng Dios sa Turkey noong ikaapat na siglo. Bata pa siya nang mamatay ang kanyang mga magulang kaya’t kinupkop siya ng tiyuhin niya, na siyang…

KILALA ANG TINIG NG PASTOL

Tumira kami sa isang bukirin sa Tennessee noong bata pa ako. Madalas kaming maglakad ng kaibigan ko sa kakahuyan. Sumasakay din kami noon sa maliliit na kabayo at pumupunta sa mga kamalig para panoorin ang mga cowboy na nag-aalaga ng mga kabayo. Pero kapag narinig ko na ang sipol ni tatay sa gitna ng iba’t ibang tunog, iiwan ko ano man…

PATUNGO SA KAPAHAMAKAN

Noong 1892, isang residenteng may sakit na kolera ang hindi sinasadyang makahawa ng sakit sa Ilog Elbe na siyang buong suplay ng tubig sa Hamburg, Germany. Sampung libong mamamayan ang namatay. Walong taon bago nito, nadiskubre ng doktor na si Robert Koch na naipapasa ang kolera sa pamamagitan ng tubig. Dahil dito, naglaan ang malalaking lungsod sa Europa ng pondo…