Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Winn Collier

ANG MALAKAS AT ANG MAHINA

Nakaaantig ng puso ang isang tradisyon sa University of Iowa tuwing mayroon silang larong football. Katabi ng Kinnick Stadium ang Stead Family Children’s Hospital. Mula sahig hanggang kisame ang bintanang gawa sa salamin ng ospital kaya makikita ang istadyum mula roon. Tuwing may laro, puno ang palapag na iyon ng mga batang maysakit at mga bantay nila para manood. Pagkatapos…

TAIMTIM NA DALANGIN

Pinangunahan ng pastor na si Christian Führer ang isang pagtitipon para sa pananalangin sa St. Nicholas Church. Sa loob ng ilang taon, kakaunti lamang ang dumadalo para ipanalangin ang pagwawakas ng kalupitan sa bansang Germany. Lumipas ang maraming taon, napakarami nang mga tao ang dumadalo para manalangin. Noong Oktubre 9, 1989, pitumpong libong mga tao ang nagsama-sama para tahimik na…

HINDI NAKAKALIMOT ANG DIOS

Isang lalaki ang nakalimutan ang password ng kanyang device kung saan nakatago ang kanyang 400 milyong dolyar. Sampung beses lamang maaaring subukan ang password at kapag lumagpas dito ay hindi na mabubuksan ang device. Walong beses na siyang nagkamali sa password sa loob ng sampung taong pilit na pag-alala rito. Noong 2021, malungkot niyang sinabing may dalawang pagkakataon na lamang siyang natitira bago mapunta…

TANGING ANG BANAL NA ESPIRITU

Tinanong ang siyamnapu’t-apat na taong-gulang na iskolar ng Biblia na si Jürgen Moltmann tungkol sa isinulat niyang libro tungkol sa Banal na Espiritu. “Paano mo papaganahin ang Banal na Espiritu? Sa pag-inom ng tableta? Mayroon ba niyan sa botika?” Tumaas ang kilay ni Moltmann. Nakangiti siyang umiling at sinabi, “Ano ang magagawa ko? Wala. Hintayin lang ang Espiritu, at darating…

SINO NGA BA AKO?

Noong 1859, idineklara ni Joshua Abraham Norton ang sarili bilang Emperador ng Amerika. Matapos yumaman at malugi, gusto niyang magkaroon ng bagong pagkakakilanlan bilang unang emperador ng Amerika. Nagpalathala ng anunsyo si “Emperador” Norton sa pahayagang San Francisco Evening Bulletin. Pero tinawanan lang siya ng marami. Nangako siyang iwawasto ang mga problema ng lipunan. Gumawa rin siya ng sariling pera.…