
Gamot Sa Buong Mundo
Sa isang liblib na bangin sa kanlurang bahagi ng Slovenia may nakatagong isang sikretong medikal na pasilidad, ang Franja Partisan Hospital.
Marami itong tauhan na gumamot sa libu-libong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdigan–hindi sila nahanap ng mga Nazi, pero mas nakamamangha na kumalinga ang ospital–na sinimulan ng kilusang nagtatanggol sa Slovenia–ng sundalong kakampi at kalaban. Tangap ang lahat sa ospital…

Malalim at Nagbubuklod
Dumalo sa protestang pampulitika sina Amina, isang imigranteng mula Iraq, at Joseph na pinanganak sa Amerika. Nasa magkaibang panig sila. Pinaniwala tayo na galit sa isat-isa ang magkaibang lahi at paniniwalang politikal.
Pero nang atakihin si Joseph ng ilang tao at sinubukang sunugin ang damit niya, dinipensahan siya ni Amina. “Sobrang magkakaiba kami,” sabi ni Joseph sa tagapagbalitang kumausap sa…

Mabagsik Na Laban
Noong 1986, nasa liblib na lugar sa Ethiopia at hinahabol ng mahigit 36 kilong leopardo ang manggagalugad na si Carl Akeley. Sinubukan ng leopardo kagatin siya sa leeg pero nakagat ang kanang balikat niya. Gumulong silang dalawa sa buhangin – isang matagal at mabagsik na laban. Nanghina si Akeley. Sino kaya sa dalawa ang unang susuko? Hinugot ni Akeley ang…

Totoong Buhay
Matapos ang Pasko ng Pagkabuhay, nagkaroon ng maraming tanong ang aking limang taong gulang na anak tungkol sa muling pagkabuhay. Habang nagmamaneho ako, sumilip ang aking anak sa bintana at tinanong ako, “Tatay, kapag po ba muli na tayong bubuhayin ni Jesus, magiging buhay po ba talaga tayo o pakiramdam lamang natin na buhay tayo?”
Ang mga tanong tungkol sa…

Binabago Nito Ang Lahat
Kilala si Jaroslav Pelikan na propesor sa Unibersidad ng Yale na si dahil sa malawak na karanasan niya sa pagtuturo. Nakapaglathala siya nang mahigit sa 30 libro at nanalo ng Kluge Prize. Pero ayon sa isang estudyante niya, ang pinakaimportanteng salita ng guro ay iyong sinabi niya noong mamamatay na siya: “Kung nabuhay si Cristo, walang ibang mahalaga. At kung…