Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Mainam Na Pagsasama-sama

Nagtatrabaho si Marie at mag-isang tinataguyod ang mga anak pero bihira siyang hindi magsimba. Linggu-linggo, sakay siya at lima niyang anak ng bus papunta sa simbahan at pauwi. Tumutulong din silang maghanda at magligpit doon. Minsan, ibinalita sa kanya ng pastor nila na may regalo ang ilang miyembro ng simbahan para sa pamilya niya.

Mababang renta sa paupahang bahay, trabaho…

Dahilan Para Magalak

Napuno ang kuwarto sa simbahan ng nakahahawang kagalakan ni Glenda na kagagaling lang sa isang mahirap na operasyon. Nang papalapit siya sa akin para sa nakagawiang batian pagkatapos ng simba, nagpasalamat ako sa Dios sa maraming beses na nakibahagi si Glenda sa pagdadalamhati ko, marahang itinuro sa akin ang tama, at pinagtibay ang loob ko. Humingi pa nga siya ng…

Dalamhati at Pasasalamat

"Mabait sa akin ang nanay mo. Sayang siya ang namatay imbes na ako." Ito ang sabi ng isang kapwa niya may cancer nang namatay ang nanay ko.

“Mahal ka ni nanay. Dasal namin na sana masubaybayan mo ang paglaki ng iyong mga anak.” Nag-iyakan kami at habang hawak ko ang kamay niya, hiniling ko sa Dios na bigyan siya ng kapayapaan…

Muling Magtitipon

Noong isinusulat ko ang obituaryo ng nanay ko, pakiramdam ko, masyadong pinal ang salitang namatay para sa pag-asa ko sa pagkikita namin muli sa langit. Kaya ang sinulat ko, “Sinalubong na siya ni Jesus.” Pero may mga araw pa rin na nagluluksa ako habang nakatingin sa mga larawan namin ngayon kung saan wala na ang nanay ko. Nitong nakaraan, natuklasan…

Nag-ugat Sa Pag-ibig

Dumating ako sa cancer care center na nag-iisa at natatakot. Iniwan ko ang pamilya ko mahigit 1200 km ang layo sa akin, para magsilbing stay-in caregiver ng aking ina. Pero bago ko pa mahawakan ang maleta ko, tinulungan na ako ng nakangiting si Frank. Nang makarating kami sa 6th floor, plano ko nang bisitahin ang asawa niyang si Lori na nag-alaga sa…