

Maglingkod sa Iba
Isang grupo ng mga sumasampalataya kay Jesus sa Southern California ang nagsama-sama sa isang laundry shop para ipaglaba ang mga kapus-palad sa kanilang lugar. Nagaabot din sila ng mga pagkain o mga grocery sa mga tao bilang tulong. Nais nilang maipakita ang pagmamahal ng Dios sa mga ito.
Isa sa mga kasamahan nila ang nagsabi na ang pinakamagandang gantimpala na natanggap…

Magtiwala sa Kanya
Sinabi ni C. S. Lewis sa aklat niyang Mere Christianity, na ang Dios ay hindi nasasakop ng panahon. Alam Niya ang lahat ng bagay. Limitado ang kakayahan natin para maunawaan ito. Pero habang natututo tayong magtiwala sa Kanya, nagiging malinaw rin sa atin na hawak Niya ang lahat, pati ang buhay natin.
Nalalaman naman ng sumulat ng Salmo 102 na lumilipas…

Pagpapasalamat
Habang tinutulungan ng asawa kong si Alan ang anak namin na si Xavier para sa kanyang job interview, inabot niya rito ang mga thank-you card. Pagkatapos tanungin ng asawa ko si Xavier ng mga maaaring itanong sa kanya sa interview, ipinaalala ulit ni Alan na huwag niyang kalimutang ibigay ang thank-you card. Ngumiti si Xavier at sinabi, “Alam ko po na…

Huwag Susuko
Umiiyak na tumawag sa akin ang kaibigan ko nang malaman niya na mayroon siyang sakit na kanser. Lubos siyang nag-alala kung ano na ang mangyayari sa kanyang asawa at maliliit pang mga anak. Idinalangin namin siya ng iba pa naming mga kaibigan. Natuwa kami nang palakasin ng doktor ang kanyang loob. Sinabi nito sa kanya na huwag siyang mawalan ng pag-asa…
