Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Kusang-loob na Pagbibigay

Nagplano ang mga namumuno sa aming simbahan na magpatayo ng isang gym para magamit sa aming komunidad. Nangako ang mga pinuno ng aming simbahan na sila ang mangunguna sa pagpopondo sa ipapagawang gym. Noong una ay ayaw kong magbigay ng mas malaking halaga sa perang napagdesisyunan na naming magasawa. Pero nanalangin pa rin kami na makapagbigay kami ng pera para sa proyektong…

Kahanga-hangang Manlilikha

Bilang isang baguhang photographer, masaya akong kinukuhanan ng larawan ang mga nilikha ng Dios gamit ang aking kamera. Nakikita ko ang pagiging malikhain ng Dios sa magagandang bagay na Kanyang nilikha gaya ng mga bulaklak, ang pagsikat at paglubog ng araw at ang langit na may mga ulap at mga bituin.

Gamit ang zoom ng aking kamera, nakukuhanan ko ng malapitang larawan…

Mapagmahal na Ama

Noong bata pa ang anak kong si Xavier, palaging wala ang tatay niya dahil sa trabaho. Kahit na madalas itong tumatawag, dumarating pa rin ang mga pagkakataon na nangungulila sa kanya ang bata. Sa mga ganoong pagkakataon, ipinapakita ko sa kanya ang mga larawan nilang magama na magkasama sila.

Ang mga panahong kasama niya ang kanyang tatay ang nagpapaalala sa kanya…

Bukas-Palad

Palagi akong binibigyan ng aking asawa ng magaganda at mamahaling bulaklak tuwing anibersaryo ng aming kasal. Hindi ko inaasahan na kahit nawalan siya ng trabaho ay bibigyan niya pa rin ako ng mga bulaklak sa ikalabinsiyam na anibersaryo ng aming kasal. Nag-iipon siya ng pera upang maipagpatuloy niya ang nakasanayan niyang gawaing ito. Ipinapadama niya sa akin na mahal na mahal…

Nakikita Niya Tayo

Naglalakad at nagtatago sa pagitan ng estante ng mga sapatos ang dalawang taong gulang naming anak na si Xavier. “Nakikita kita.” Iyon ang sabi ng asawa ko habang napansin niya itong nakatago at tumatawa habang nasa likod ng mga sapatos.

Makalipas ang ilang sandali ay tumatakbo sa bawat estante ang asawa kong si Alan. Hinahanap niya si Xavier. Nagpunta kami sa…

Kasama natin si Jesus

Minsan, nagbakasyon kaming mag-asawa at sumama kami sa pamamangka sa isang ilog. Nagulat ako na may bahagi pala ng ilog na rumaragasa. Hindi namin ito inaasahan dahil hindi ito nakalagay sa binasa naming impormasyon tungkol doon. Mabuti na lang at may nakasama kaming mag-asawa na sanay na sa pamamangka sa rumaragasang ilog. Tinuruan nila ang asawa ko ng tamang paraan ng…

Perpektong Ama

Naghahanap ako ng isang magandang card para sa aking tatay dahil Araw ng mga Ama. Kahit nagkaayos na kami mula sa isang hindi pagkakaunawaan ay hindi pa rin ganoong kalapit ang loob ko sa kanya. Kasabay kong naghahanap rin ng card ang isang babae.

Kasabay kong naghahanap rin ng card ang isang babae. Narinig ko ang sinabi niya. "Bakit kaya walang…

Magtiwala

Sa kabila ng malubha kong sakit na nararamdaman, patuloy pa rin akong nagtitiwala sa Dios. Gayon pa man, patuloy rin ang pagdating ng mga problema na parang kaliwa’t kanang sumusuntok sa akin. Minsan, naiisip kong mas magandang tumakas at magtago na lamang. Pero dahil hindi ko naman matatakasan ang sakit na aking nararamdaman, sinikap kong isantabi na lang ito. Unti-unti akong…

Nagsasanay Pa

Niyaya ako ng guro ng aking anak na sumama para magbantay sa klase nila para sa isang aktibidad. Pero hindi ako pumayag. Paano ako magiging huwaran at modelo sa mga batang ito gayong marami rin akong mga pagkakamali at patuloy na nakakagawa ng kasalanan sa aking buhay? Ang Dios ang gumabay sa akin para mapalaki nang maayos ang aking anak. Pero…

Sa Panalangin Lamang

Isang gabi, tinawagan ako ng aking kaibigan na may kanser. Hindi mapigil ang kanyang pag-iyak dahil sa nararamdaman niyang paghihirap. Naiyak din ako at tahimik siyang ipinanalangin, “Panginoon, ano po ang magagawa ko para sa kanya?”

Tila nadurog ang puso ko sa kanyang pag-iyak. Wala akong magawa para maibsan ang nararamdaman niya. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat…