Sabay Sa Alon
Minsan, pumunta kami ng asawa ko sa Isla ng Hawaii. Umupo ako sa isang malaking bato sa tabi ng dagat habang ang asawa ko ay masayang kumuha ng larawan ng napakagandang paligid.
Habang nakaupo naman ako at nagbubulay-bulay, naagaw ang atensyon ko ng isang malaki at rumaragasang alon. May nakita rin akong malaking anino ng isang bagay na parang nakasakay…
Makapangyarihan Ang Panalangin
Naranasan mo na ba ang mapagod sa isang bagay kahit gusto mo iyong gawin? Naranasan ko iyon. Ako kasi ang nag-aalaga sa aking nanay na may sakit na kanser. Inaasikaso ko ang kanyang pang araw-araw na pangangailangan, hanggang sa dumating ang panahon na unti-unti akong napagod at nagpadala sa kalungkutan. Pero kung magpapadala ako sa mga nararamdaman kong ito, paano…
Ligtas at Payapa
Likas sa mga bata ang pagiging masigla at masayahin. Ganoon din ang anak ko na si Xavier. Sa halip na matulog sa hapon, lagi niya akong kinukulit at kinukuha ang aking pansin sa mga bagay katulad ng pagkagutom, pagkauhaw at iba pa. Dahil naman sa ginagawa ni Xavier, minsan hindi ko na maramdaman ang kapayapaan. Alam ko ang kahalagahan ng…
Magbigay Liwanag
Lumipat kami ng tirahan ng aking asawa. Pero kahit na malayo na kami sa aming mga anak, nais ko pa ring siguruhing nasa maayos silang kalagayan. Minsan, nakakita ako ng regalong maaari kong ibigay sa kanila. Isa itong lampara na maaaring ikonekta sa internet.
Kapag tinapik ko ang aking lampara, iilaw din ang kanilang lampara. Sinabi ko sa kanila na…
Magkamukha
Minsan, nang magbakasyon kami, nakausap namin ang isang babae na matagal nang kilala ang asawa ko kahit noong bata pa siya. Tiningnan niya ang asawa kong si Alan at ang anak kong si Xavier. Sinabi ng babae, “Kamukhang-kamukha niya ang kanyang tatay noong bata pa ito.” Tuwang-tuwa ang babae at sinabi pa na may tila pagkakatulad sila sa pag-uugali. Pero…