Kuwento ng isang negosyante na noong nasa kolehiyo, madalas siyang malugmok at mawalan ng pag-asa dahil sa depresyon. Imbes na magpadoktor, gumawa siya ng marahas na plano: nagsabi siya sa Aklatan na hihiram ng libro tungkol sa pagpapakamatay at nagplano kung kailan magpapakamatay.

Makikita sa Biblia na may malasakit ang Dios sa mga tulad niya. Nang nagnais mamatay si Jonas, marahan siyang kinausap ng Dios (Jonas 4:3-10). Nang hiniling ni Propeta Elias na wakasan na ng Dios ang buhay niya, binigyan siya ng Dios ng tinapay at tubig para palakasin siya, mahinahon siyang kinausap at ipinaalam sa kanya na hindi siya nag-iisa tulad nang inakala niya (1 Mga Hari 19:4-9, 11-13, 18). Magaan ang loob ng Dios sa mga nalulungkot at tinutulungan Niya ang mga ito.

Balik tayo sa kuwento ng negosyante: Ipinaalam ng Aklatan sa mag-aaral noong puwede nang hiramin ang libro tungkol sa pagpapakamatay pero hindi sinasadyang sa bahay pala ng magulang niya naipadala ang impormasyon. Nang tumawag sa kanya ang nanay na naghihinagpis, nabatid niya ang magiging epekto sa magulang niya kung magpapakamatay siya. Sabi niya, kung hindi dahil doon, wala na siya ngayon.

‘Di ako naniniwalang suwerte o nagkataon lang kaya siya naligtas . Tinapay at tubig man o maling numero ng tirahan, ‘pag may mahiwagang pamamagitan ang nagligtas sa buhay natin, kagandahang-loob ng Dios iyan .