Sinuri muli ang dugo ni Chris apat na taon matapos ang transplant na nagligtas sa buhay niya. Gumaling na nga siya dahil sa natanggap na utak ng buto, pero may sorpresa rin itong dala – ‘DNA’ na ng tagapagbigay ang nasa dugo niya. Sabagay, layon naman talaga ng transplant na palitan ang mahinang dugo ni Chris ng malusog na dugo ng nagkaloob. Pero iba na rin ang ‘DNA’ pati ng dugong galing sa pisngi, labi, at dila niya. Sa isang banda, para na siyang ibang tao, pero nasa kanya pa rin ang sariling alaala, itsura, at ibang orihinal na ‘DNA’.

Hawig ang karanasan ni Chris sa nangyayari sa buhay ng tao na tumanggap ng kaligtasang handog ni Jesus. Sa punto ng pagbabagong espirituwal – nang nagtiwala tayo at tinanggap ang kaligtasang handog ni Jesus – naging bagong tao na tayo (2 Corinto 5:17).

Sa liham ni Apostol Pablo para sa mga na kay Cristo sa Efeso, hinikayat niyang ipakita nila ang panloob na pagbabagong ito: “hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa . . .at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Dios at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan (Efeso 4:22, 24). Maging nakabuklod para kay Jesus.

Hindi kailangang magpasuri ng dugo para ipakitang buhay sa kalooban natin ang nakapagbabagong kapangyarihan ni Jesus. Ipinapakita natin ito sa pamumuhay natin – sa pagiging mabait, maawain, at mapagpatawad tulad ng pagpapatawad sa atin ng Dios sa pamamagitan ni Jesus (Tal. 32).