Kinakausap mo ba ang sarili mo? Kung minsan, kapag may ginagawa ako, sinasabi ko sa aking sarili ang iniisip ko. Kung may makakakita sa akin na nagsasalita nang mag-isa, mahihiya pa din ako kahit halos lahat naman sa atin ay kinakausap ang sarili.
Madalas na kinakausap ng mga sumulat ng Awit sa Biblia ang kanilang sarili. Kinakausap ng sumulat ng ika116 kabanata ng Awit ang kanyang sarili nang sabihin niya ito: “Manalig ka, O puso ko, kay YAHWEH ka magtiwala” (talatang 7 MBB). Ipinapaalala niya sa sarili ang kabutihan at katapatan ng Dios sa kanya. Nakapagpapagaan at nakapagpapalakas ito ng kanyang loob. Kinausap din ni Haring David ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Si YAHWEH ay papurihan, O aking kaluluwa at huwag mong kaliligtaan ang mabubuti Niyang gawa” (103:2 MBB).
Magandang sabihin o ipaalala sa sarili ang katapatan ng Dios at ang pag-asang mayroon tayo sa Kanya. Maaari din nating kausapin ang ating sarili tulad ng ginawa ng mga sumulat ng Awit. Sabihin natin sa ating sarili kung paano ipinakita ng Dios sa iba’t ibang kaparaanan ang Kanyang kabutihan sa atin. Ipinakita ng Dios ang katapatan Niya sa atin at ang Kanyang pagmamahal ay patuloy Niyang ipadarama sa atin sa kasalukuyan at sa darating na panahon.