May ikinuwento ang isang pastor tungkol sa isang matandang babae na nakatira sa liblib na lugar sa Scotland. Gustung-gusto daw makita ng matanda ang bayan ng Edinburgh pero natatakot siyang magbiyahe. Dadaan kasi ang tren sa isang mahaba at madilim na daanan sa ilalim ng lupa.
Pero dahil sa isang pangyayari, napilitan ang matandang iyon na pumunta sa Edinburgh. Nang umandar na ang tren, lalong tumindi ang kanyang pag-aalala. Pero nakatulog siya bago dumaan ang tren sa mahaba at madilim na daanan. Nasa Edinburgh na siya nang magising.
Maaari naman na mayroon sa atin ang nag-aalala na baka mahirap ang ating pagdadaanan bago tayo mamatay. Pero mayroong hindi makakaranas ng kamatayan. Sila ang mga nagtitiwala kay Jesus na mga buhay pa sa Kanyang pagbabalik. Sa araw na iyon, sasalubungin sila ng Panginoon sa himpapawid (1 Tesalonica 4:13-18).
Sigurado ang mga nagtitiwala kay Jesus na pupunta sila sa langit kapag namatay sila dahil iniligtas na sila ng Panginoong Jesus sa hatol sa kasalanan. Kapag namatay sila, makakapiling na nila ang Panginoon. Inihalintulad ng isang kumakatha ng tula na si John Donne sa pag-idlip ang kamatayan. Sinabi niya na paggising ng mga nagtitiwala kay Jesus sa kanilang pagkakaidlip, kapiling na sila ng Panginoon.