Nang pumunta kami sa New England para magpahinga, isa sa mga lalaking nagpunta din doon ay nagtanong ng ganito: Ano ang pinakagusto n’yong regalo sa Pasko?
Sumagot naman ang isang lalaking mahilig sa sports. Halatang gustunggusto niyang sagutin ang tanong. Habang nagsasalita ay nakatingin siya sa kanyang kaibigan na nasa tabi niya. Nang makatapos daw sa kolehiyo ang lalaki, gusto niyang magtrabaho bilang isang manlalaro ng football pero hindi iyon nangyari. Sumama ang loob niya at naging masungit siya sa mga taong gustong tumulong sa kanya.
Nang sumapit ang Pasko, pumunta daw ang lalaking iyon sa kapilyang pinupuntahan ng kaibigan niya at nanood ng pagsasadula ng Pasko. Nagpunta siya doon hindi dahil sa dula tungkol kay Jesus kundi dahil gusto niyang mapanood ang kanyang pamangkin. Sa kalagitnaan ng pagsasadula ay pakiramdam daw niya na dapat kasama din siya ng mga pastol sa pagpunta kay Jesus. Nang matapos kantahin ng mga naroon ang Silent Night, nakaupo lang daw siya at umiiyak.
Nag-alisan na ang mga tao pero hindi daw umalis ang kanyang kaibigan. Sinabi nito sa kanya ang tungkol kay Jesus. At nang gabing iyon, nakatanggap daw siya ng pinakamagandang regalong pampasko. Sumabat naman ang kanyang kaibigan at sinabi, “Ang pangyayaring iyon naman ang pinakamagandang regalong natanggap ko.”