Nagkaroon noon ng komperensya sa Singapore para sa pagpapalimbag ng mga libro at babasahin. 280 katao ang dumalo at mula iyon sa 50 bansa. Sa huling araw ng komperensya, nagpalitrato kaming lahat sa labas ng isang hotel. Ang kumukuha ng litrato ay nasa ikalawang palapag naman ng hotel. Kinunan niya kami ng iba’t ibang anggulo at nang sabihin niyang tapos na, may sumigaw: “Joy to the world.” Tapos may pakantang nagsabi ng the Lord is come. Tapos kinanta na ito ng ilan hanggang sa lahat na kami ay kumakanta ng Joy to the World. Nakakaantig ng damdamin ang ganoong pagkakaisa at saya. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Sa aklat ng Lucas ay mababasa natin ang tungkol sa Pasko. Malalaman natin doon na may anghel na nagbalita sa mga nag-aalaga ng tupa na ipinanganak na si Jesus. Sinabi ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao” (Lucas 2:10 MBB).
Ang kagalakang iyon ay hindi lang para sa ilang tao kundi para sa lahat. Mahal na mahal ng Dios ang lahat ng mga tao kung kaya’t ibinigay Niya ang kaisa-isa Niyang Anak (Juan 3:16).
Sa pagsasabi natin sa iba ng tungkol kay Jesus ay para na din tayong nakikisabay sa milyung-milyong tao sa buong mundo na umaawit ng Joy to the World, the Lord is come at sa pamamagitan nito ay nasasabi natin sa iba ang kahangahangang katuwiran at pag-ibig ng Dios sa atin.