May mga kandado noon na nakalagay sa mga rehas na nasa gilid ng isang tulay sa Paris. Noong Hunyo, 2015, ipinaalis na iyon ng gobyerno dahil nanganganib nang bumagsak ang tulay. Umabot na sa mahigit 40 libong kilo ang bigat ng mga kandado.
Ang mga kandadong iyon ay simbolo ng walang hanggang pagmamahalan. Iniukit sa kandado ang pangalan ng nagmamahalan. Tapos, ikakabit nila ito sa rehas ng tulay at itinatapon ang susi sa ilog.
Ang nakakalungkot, hindi naman laging pangwalang hanggan ang pagmamahalan ng mga tao. May matalik na magkaibigan na nagkakagalit at hindi na nagkakasundo. May mga pamilyang nag-aaway at ayaw patawarin ang isa’t isa. Naghihiwalay ang mag-asawa. Maaari talagang magbago ang pag-ibig ng tao.
Pero may pag-ibig na hindi nagbabago at pangwalang hanggan. Ito ang pag-ibig ng Dios. Sinabi sa Biblia, “Magpasalamat kayo sa PANGINOON dahil Siya’y mabuti, ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan” (Awit 106:1 ASD). Ang katibayan na mahal na mahal tayo ng Dios ay nang ipahintulot Niyang mamatay ang Kanyang Anak para mabuhay nang walang hanggan ang mga nagtitiwala sa Kanya. Walang anumang makakapaghiwalay sa atin sa pagibig ng Dios (Roma 8:38-39).
Ang pagmamahal ng Dios sa mga nagtitiwala sa Kanya ay magpakailanman.