Nang magkaroon ako ng kaibigan sa ibang bansa, napansin kong pangmaharlika ang punto ng pananalita niya sa Ingles at mayroon siyang singsing sa hinliliit. Nalaman ko na hindi lang pala basta singsing iyon. May nakaukit doon na nagpapahayag ng tungkol sa pamilya niya.
Ang singsing ng aking kaibigan ay parang may pagkakatulad sa singsing na binanggit sa aklat ng Hagai sa Lumang Tipan ng Biblia. Sinabi doon na ang gobernador ng Juda na si Zerubabel ay gagawin ng Dios na “gaya ng singsing na pantatak” (Hageo 2:23). Ipinapakita ng singsing na pinili ng Dios si Zerubabel para maging lider ng mga taga Juda.
Noong unang panahon, ang singsing na pantatak ay ginagamit bilang pagkakakilanlan. Sa halip na pumirma, tinatatakan nila ito ng kanilang singsing. Nakikilala naman ng mga tao ang mga nagtitiwala kay Jesus sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga ito sa iba ng tungkol kay Jesus, gayon din sa pagpapadama ng kagandahang-loob ng Dios sa kanyang kapwa at pagtulong sa mga nangangailangan.
Bawat isa sa atin ay may natatanging pagkakakilanlan. Naipapakita nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan, mga ninanais at karunungan. Tungkulin at pribilehiyo ng mga nagtitiwala kay Jesus na magsilbing tila isang singsing na pantatak para maipakita sa mga tao na pinili sila ng Dios para sa isang natatanging tungkulin.