Naglaro ang apo naming sina Maggie at Katie sa likod-bahay. Ginawa nilang tent ang mga kumot. Maya-maya, tinawag ni Maggie ang kanyang ina. “Inay, punta ka po dito. Dali po. Gusto ko pong papasukin sa puso ko si Jesus. Tulungan n’yo po ako.” Nalaman ni Maggie na kailangan niya si Jesus at handa na siyang magtiwala sa Kanya.
Ang pagmamadali ni Maggie para tulungan siya ng kanyang ina na magtiwala sa Panginoong Jesus ay nagpaalala sa akin ng sinabi ng apostol na si Pablo tungkol sa pagliligtas ng Dios sa atin para hindi tayo maparusahan sa ating mga kasalanan. Ang pagdating ni Jesus dito sa mundo, ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay tinawag ni Pablo na panahon ng pagliligtas ng Dios. Tayo ay nabubuhay sa ganoong panahon at nais ng Dios na iligtas ang lahat. Sinabi ni Pablo, “Ngayon na ang araw ng kaligtasan” (2 Corinto 6:2). Sa mga hindi pa nagtitiwala na mapapatawad sila ng Dios sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Jesus, ngayon na ang panahon para magtiwala sa Kanya. Kailangang-kailangang itong gawin.
Maaaring inuudyukan ka ng Banal na Espiritu na kailangan mong magtiwala kay Jesus. Tulad ni Maggie, huwag na natin itong ipagpaliban. Magtiwala na tayo ngayon sa Panginoong Jesus.