Mag-isang pupunta ang bunso kong babae sa Barcelona mula Germany. Kaya, sinubaybayan ko ang biyahe niya sa pamamagitan ng pagtingin sa internet. Nakikita ko kung nasaan na ang sinasakyan niyang eroplano. Dumaan ito sa bansang Austria at sa hilagang bahagi ng Italy. Tatawid din ito sa karagatan at ipinapaalam din ng internet na eksakto sa oras ang dating nila sa Barcelona. Ang hindi ko lang alam sa biyahe ng anak ko ay kung ano ang ihahain sa kanila sa tanghalian.
Bakit ko pa kaya kailangang subaybayan at alalahanin kung nasaan na ang anak ko? Ginagawa ko iyon kasi mahal ko siya. Nag-aalala ako para sa kanya, sa mga ginagawa niya at kung anong mangyayari sa buhay niya.
Sa Awit 32 na isinulat ni Haring David, ikinagalak niya ang kamangha-manghang pagpapatawad, paggabay at pagmamalasakit ng Dios sa ating lahat. Alam ng Dios ang bawat detalye ng ating buhay. Alam Niya din ang tunay nating kailangan. Ipinangako ng Dios sa atin na, “Ituturo Ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan Kita habang binabantayan” (AWIT 32:8 ASD).
Anuman ang ating pinagdadaanan ngayon, maipagkakatiwala natin sa Dios ang ating buhay. Nagmamalasakit Siya sa atin sapagkat minamahal ng “Panginoon ang sa Kanya ay nagtitiwala” (TALATANG 10 ASD).