Nang kapanayamin si Meredith Andrews na isang mangaawit, sinabi nito ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay. Sinisikap niyang maging maayos ang kanyang trabaho at ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Pero sa hirap ng kanyang nararanasan, parang sinusubok daw siya ng Dios sa paraang halos hindi na niya makaya.
Dumanas din ng matinding pagsubok sa buhay si Job na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Nawala ang kanyang kabuhayan, namatay ang ilan sa kapamilya at nagkaroon pa siya ng malalang sakit. Kahit nagtitiwala si Job sa Dios, hindi niya maunawaan kung bakit iyon nangyari. Kaya, naramdaman niya na para bang pinabayaan siya ng Dios. Sinabi ni Job na hindi niya makita ang Dios saan man siya tumingin (JOB 23:2-9).
Noong panahon na para bang nawawalan na ng pag-asa si Job, naunawaan na niya kung bakit pinahihintulutan ng Dios na dumanas siya ng mga pagsubok. Nang maunawaan iyon ni Job, unti-unting tumibay muli ang pagtitiwala niya sa Dios. Sinabi ni Job, “Alam [ng Dios] ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan Niya ako, makikita Niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto” (JOB 23:10 ASD).
Sinusubok ng Dios ang mga nagtitiwala sa Kanya sa pamamagitan ng mga matitinding pagsubok. Sa gayon, mawawala ang kanilang pagmamataas at pagtitiwala sa sarili. Sa panahon na inaakala natin na para bang pinababayaan tayo ng Dios, isipin natin na paraan iyon ng Dios para tumatag ang ating pananampalataya sa Kanya.
Magkakaroon ng magandang epekto sa ating buhay ang mga pinagdaraanan nating mga kabiguan at problema kung sa Dios lang tayo aasa.