Noong 1962, nagpadala ng sulat ang bilanggong si Clarence Earl Gideon sa korte suprema ng Amerika para umapela sa ikinaso sa kanya na hindi naman niya ginawa. Sinabi pa niya na wala siyang kakayahan na magbayad sa isang abogado.
Pagkalipas ng isang taon, sinabi ng korte suprema na bibigyan ng libreng abogado o tagapamagitan ang isang taong walang kakayahang makapagbayad. Sa ginawang iyon ng korte suprema, nagkaroon ng tagapamagitan si Clarence. Muli rin siyang nilitis at dahil doon napawalang-sala siya sa ikinaso sa kanya.
Paano naman kung nagkasala talaga tayo? Ayon kay Pablo na apostol ng Panginoong Jesus, lahat tayo ay makasalanan. Pero ang hukuman ng Dios sa langit ay nagbigay sa atin ng tagapamagitan para depensahan at pagmalasakitan tayo (1 JUAN 2:2). Siya si Jesus ang ating Tagapamagitan sa Dios. Inaalok tayo ng Panginoong Jesus ng kalayaan sa kaparusahan sa kasalanan.
Anuman ang nararanasan nating paghihirap dulot ng masamang ginawa ng iba sa atin o ginawa nating masama sa iba, handang mamagitan si Jesus para sa atin. Tutugunin Niya ang ating idinadalangin na kahabagan, kapatawaran at lakas ng loob.
Magagawa ni Jesus na ating Tagapamagitan na palayain tayo sa ating pagiging bilanggo sa ating mga kinatatakutan, kalungkutan at kawalan ng pag-asa.