May sinabi ang walong taong gulang na bata kay Wally. Kaibigan si Wally ng magulang ng bata. Sinabi ng bata na mahal niya si Jesus at balang araw maglilingkod siya sa ibang bansa para ipahayag ang tungkol kay Jesus. Idinalangin siya ni Wally. Makalipas ang 10 taon, naging misyonero ang batang iyon. Sinabi ni Wally sa kanya, “Alam kong kailangan mo ng pera sa pagmimisyon mo sa ibang bansa. Kaya, nag-ipon ako para magamit mo.” May malasakit si Wally sa ibang tao at may pagnanais na maipahayag ang magandang balita sa iba.
Nangailangan din naman noon ang Panginoong Jesus at ang mga alagad Niya ng pangtustos sa kanilang pagmimisyon sa iba’t ibang lugar (LUCAS 8:1-3). May mga taong tumulong sa kanilang pangangailangan kahit na ang mga taong iyon ay nangangailangan din. Sila ang mga taong pinagaling ni Jesus. Sila sina Joana, Susana, Maria Magdalena na sinaniban ng demonyo at marami pang iba. Lahat sila ay tinulungan ni Jesus (TAL. 3). Kaya naman nang mangailangan si Jesus para sa Kanyang pagmimisyon, sila naman ang nagbigay ng tulong kay Jesus.
Kung pag-iisipan natin ang mga ginawa ni Jesus sa ating buhay, magiging tulad tayo ni Jesus kung paano Siya nagmamalasakit sa iba. Idalangin natin sa Dios na gamitin Niya ang buhay natin sa paraan na nais Niya.