Kung may puno na kaiinggitan, ito ay ang puno na nakatanim sa tabi ng ilog. Hindi nito kailangan pang alalahanin ang tubig na siyang nagpapalago sa puno anuman ang panahon. Lalong tumitibay ang mga ugat nito at nakapaglilinis ng hangin ang malulusog nitong mga dahon. Nagbibigay rin ito ng lilom sa mga nais sumilong.
Binigyang-pansin naman ng propetang si Jeremias ang mga mumunting puno na nakatanim sa liblib na lugar (JEREMIAS 17:6). Kapag tapos na ang panahon ng tag-ulan, natutuyo ang mga ito at hindi man lang masilungan.
Bakit kaya inihambing ni Jeremias ang isang malagong puno sa natutuyong puno? (TAL. 5-8). Nais ni Jeremias na alalahanin ng mga Israelita ang pagliligtas sa kanila ng Dios mula sa pagkaalipin sa bansang Egipto. Sa loob ng 40 taon nila sa liblib na lugar, nakaranas sila ng masaganang buhay na para bang isang puno na nakatanim sa tabi ng ilog (JEREMIAS 2:4-6). Pero nang makarating na ang mga Israelita sa lupang ipinangako ng Dios ay nakalimutan na nila ang tungkol sa ginawa ng Dios sa kanila sa liblib na lugar. Hindi na sila nagtitiwala sa Dios sa halip sa kanilang mga sariling kakayahan at sa mga dios-diosan (TAL. 7-8). Hanggang sa naisin pa nilang bumalik na lang sa Egipto para humingi ng tulong (42:14).
Kaya naman sa pamamagitan ni Jeremias, hinihikayat ng ating mapagmahal na Dios ang mga Israelita at maging tayo na magtiwala lamang sa Panginoon. Nais ng Dios na maging tulad tayo ng isang puno na nasa tabi ng ilog.