May magandang paraan si Plato na taga bansang Greece kung paano maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa puso ng tao. Nagkuwento siya tungkol sa isang pastol na nakakita ng isang gintong singsing. Minsan, nagkaroon daw ng lindol at pagkatapos nito ay bumuka ang lupa kung saan natagpuan niya ang gintong singsing. Natuklasan din ng pastol na may kakayahan ang singsing na kapag isinuot mo ito ay hindi ka na makikita ng iba kahit kaharap mo sila. Pinagtuunan naman ng pansin ni Plato ang tungkol sa kakayahan na hindi ka makikita ng iba at nagtanong. Tanong ni Plato, “Kung hindi na mag-aalala ang mga tao na mahuli at maparusahan sa kanilang kasalanang ginagawa, hihinto kaya sila sa paggawa ng masama?”
May pagkakatulad rin naman ito sa nais iparating ni Jesus tungkol sa nilalaman ng ating puso. Sinabi sa aklat ni Juan sa Biblia na si Jesus ang ating Mabuting Pastol. Hinihikayat Niya ang mga taong huwag nang manatili pa sa kadiliman para itago ang kanilang masamang ginagawa (JUAN 3:19-20). Ipinapaalam naman sa atin ni Jesus ang ating mga kasalanan hindi para tayo’y hatulan. Sa halip, inaalok Niya tayo ng kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya (TAL. 17). Siya ang Pastol na kayang baguhin ang nilalaman ng ating puso kahit puno ito ng kasamaan. Sa gayon, maipapakita Niya sa atin ang Kanyang lubos na pagmamahal sa bawat isa (JUAN 3:16).
Kinahahabagan tayo ng Dios. Kaya naman, nais Niyang iligtas tayo sa madilim nating pamumuhay at hinihikayat Niya tayong mamuhay sa paraan na nais Niya.