Nanginginig ang boses ng isang nanay habang ikinukuwento ang problema niya sa kanyang anak na babae. Kinumpiska raw ng nanay ang cellphone ng anak at sinasamahan niya ito saan man magpunta. Hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-ina. Nang kausapin ko naman ang bata, nalaman ko na mahal niya ang kanyang nanay pero nahihirapan siya sa kahigpitan nito. Gusto niya raw maging malaya.
Nahihirapan tayong makitungo sa iba dahil hindi tayo perpekto. Isa man tayong magulang o anak, may asawa o wala, pinagsisikapan natin kung paano magmahal nang tama. Sa pagdaan ng panahon, lalo pa tayong matututo kung paano umibig.
Sinabi naman ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto kung ano ang tunay na pag-ibig (1 CORINTO 13). Madaling sabihin na mahal natin ang isang tao pero parang mahirap gawin ang sinabi sa 1 Corinto 13. Mabuti na lang, ginawa ito ni Jesus na siyang magandang halimbawa natin. Ipinakita Niya sa atin kung ano ang tunay na pag-ibig na may kasamang gawa. Habang namumuhay tayo nang may pagtitiwala sa Dios at nagmamahal tulad ni Jesus, mas makikita si Jesus sa ating buhay. Magkamali man tayo, patatawarin tayo ng Dios at magagawa Niyang maging mabuti ang bawat sitwasyon. Hindi nagmamaliw ang pag-ibig ng Dios at lagi Niya tayong pangangalagaan (TAL. 7-8).