Ang National Portrait Gallery sa London, England ay museo na naglalaman ng mga naipintang larawan. Makikita doon ang mga ipinintang larawan ng mga sikat na tao tulad nina Winston Churchill, William Shakespeare, at George Washington. Dahil sa mga naipintang larawan nila, mapapaisip tayo kung totoo bang iyon talaga ang hitsura nila. Walang litrato na puwedeng pagkumparahan sa mga naipintang larawan maging sa makabayang taga Scotland na si William Wallace. Kaya paano natin malalaman kung tumpak ang pagkakapinta ng isang pintor sa talagang hitsura nila?
Parang ganito din ang nangyayari sa larawan ni Jesus. Hindi man namamalayan ng mga nagtitiwala kay Jesus na sila mismo ang nagpapakilala sa mga tao kung sino si Jesus. Hindi sa pamamagitan ng mga gamit ng pintor kundi sa pamamagitan ng ating inaasal, ikinikilos at pakikitungo sa iba. Ang ating buhay ba ay nagpipinta ng larawan nang katulad ng puso ni Jesus? Sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga Filipos, “Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Cristo Jesus din naman” (FILIPOS 2:5). Sa pagnanais nating maipakita si Jesus sa ating buhay, hinihikayat ni Jesus ang mga nagtitiwala sa Kanya na magpakababa, unahin ang kapakanan ng iba at maging mapagmalasakit.
Maaaring makita ng iba si Jesus sa pamamagitan natin. Maipapakita natin sa mundo ang pagmamahal at magagandang katangian ni Jesus kung magpapapakumbaba tayo at “ituturing na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa [ating] sarili” (TAL. 3).