Ang pagkakamali ay nangyayari ng hindi mo inaasahan.” Sinabi ito ng presidente ng isang kumpanya habang pinag-uusapan nila ang pagkasangkot nila sa ilegal na gawain. Mukha siyang nagsisisi pero hindi niya inamin na may pagkakamali rin siya.
May mga pagkakamali naman tayong nagagawa na hindi natin sinasadya. Pero may mga mali tayong ginagawa na alam nating kasalanan sa Dios. Noong tinanong ng Dios sina Adan at Eba kung bakit sila sumuway, mabilis silang nagturuan at nagsisihan (GENESIS 3:8-13). Si Aaron naman na kapatid ni Moises ay hindi umamin ng kanyang pagkakamali nang gumawa siya ng gintong guya para sambahin. Sinabi ni Aaron kay Moises, “Tinanong ko sila kung sino ang may ginto. Ibinigay naman nila sa akin ang mga alahas, tinunaw ko sa apoy at lumabas ang guyang iyon” (EXODO 32:24). Parang gusto ring sabihin ni Aaron na, “ang pagkakamali ay nangyayari ng hindi mo inaasahan.”
Minsan, mas madali sa atin na sisihin ang iba kaysa sa aminin ang ating pagkakamali. Hindi rin makakabuti para sa atin na ipagwalang-bahala ang mga kasalanan na ginagawa natin. Pero kung aaminin natin ang ating pagkakamali at hihingi ng tawad, maaasahan natin ang pangako ng Dios. Sinabi sa Biblia, “Kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin Niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil matuwid Siya” (1 JOHN 1:9 ASD). Pinapatawad ng Dios ang lahat ng nagtitiwala sa Kanya at inaayos muli ang kanilang relasyon