Tumakas ang batang si Steven sa bansang Africa. Dahil doon, wala siyang maituring na kanyang sariling bansa. Hindi niya alam kong saang parte ng Africa siya ipinanganak. Hindi niya rin nakilala kung sino ang kanyang ama. Nawalay naman siya sa kanyang ina nang tumakas ito sa giyera. Kaya naman, nagpunta nalang siya sa prisinto sa bansang kung nasaan siya at ipinakulong ang sarili. Mas gusto pa niyang makulong kaysa sa maging palaboy sa kalsada na walang tinatanggap na karapatan at benepisyo mula sa gobyerno.
Nasa isip rin ni apostol Pablo ang mamuhay ng walang sariling bansa noong sinulatan niya ang mga taga Efeso. Sinabi ni Pablo sa mga nagtitiwala kay Jesus na hindi Judio, “Hindi kayo kabilang sa mga mamamayan ng Israel at hindi sakop ng mga kasunduan ng Dios na batay sa mga pangako Niya. Namuhay kayo sa mundong ito na walang pag-asa at walang Dios” (EFESO 2:12 ASD). Noong sandaling nagtiwala sila kay Cristo at nagkaroon ng bagong buhay at pag-asa (1:13) saka pa lamang sila nagkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit (MATEO 5:3). Naranasan din nila ang pagtanggap sa kanila ng Dios Ama bilang mga anak at pag-aaruga sa pamamagitan ni Jesus (MATEO 6:31-33).
Naisip naman ni Pablo na maaari nating malimutan ang ginawa ni Jesus sa pagdaan ng panahon. Pero sanayin natin ang sarili na laging umasa kay Jesus.
Tulungan nawa tayo ng Dios na mamuhay na laging umaasa sa Kanya at maunawaan na tagapagmana at bahagi tayo ng pamilya ng Dios.