Aksidenteng nasagi ko ang aking baso sa isang kainan. Tumapon ang laman nito sa gilid ng mesa hanggang sa sahig. Dahil nahihiya ako, sinubukan kong saluhin ang tubig gamit ang aking mga kamay. Pero wala rin itong naitulong. Umagos lang ang tubig sa aking mga kamay. Kakaunti lamang ang aking nasalo at basangbasa pa ang aking mga paa.
Ganito rin ang madalas mangyari sa aking buhay. Sinusubukan kong gawan ng solusyon ang aking mga problema, at kontrolin ang mga nangyayari. Parang tulad ng pagsalo ko sa natapon na tubig na wala ring naitulong. Anuman ang aking gawin, hindi ko pa rin mabigyan ng solusyon ang lahat ng bagay.
Pero magagawang solusyunan ng Dios ang lahat. Sinabi ng propetang si Isaias na magagawa ng Dios na sukatin ang tubig sa karagatan sa pamamagitan ng Kanyang kamay (ISAIAS 40:12). Siya lamang ang makakagawa nito. Isuko natin sa Kanya ang mga bagay na hindi natin masolusyonan. Tuwing nahihirapan na tayo sa dami ng problema, ipagkatiwala natin ang mga ito sa makapangyarihang kamay ng Dios.