Isang gabi ng Setyembre, taong 1666, nasunog ang pagawaan ng tinapay ni Thomas Farriner sa London. Kumalat agad ang apoy sa mga kalapit bahay hanggang halos matupok na ang buong lungsod ng London. Tinatayang 70,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Isa itong napakalaking trahedya na nagsimula lang sa isang maliit na apoy.
Nagbigay din sa atin ang Biblia ng babala tungkol sa isa pang maliit pero mapaminsalang apoy. Sinabi sa Biblia, “Ganoon din naman ang dila natin; kahit na maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin n’yo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog na galing lang sa maliit na apoy” (SANTIAGO 3:5 ASD). Ipinapahiwatig ni Santiago na nag-aalala siya sa buhay at pakikitungo ng mga tao sa isa’t isa kung hahayaan ang dila na magsabi ng mga nakakasakit.
Pero magagawa naman nating makatulong sa iba ang ating mga sinasabihan. Ipinaalala sa atin ng Biblia na ang “Kaaya-ayang salita ay parang pulot-pukyutan, matamis sa panlasa, pampalusog ng katawan” (KAWIKAAN 16:24 mbb). Sinabi rin ni apostol Pablo, “Ang inyong pananalita nawa’y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa” (COLOSAS 4:6). Kung paanong binibigyang lasa ng asin ang ating pagkain, nawa’y kagandahangloob naman ang makikita sa ating mga sinasabi na makakapagpalakas ng loob ng iba.
Makatulong nawa ang ating mga sinasabi sa mga taong nasasaktan at sa mga taong hindi pa nagtitiwala kay Jesus. Magagawa natin ito sa tulong ng Banal na Espiritu.