Minsan, pumunta ako sa isang museo sa Colorado. Natutunan ko doon ang tungkol sa kakaibang katangian ng isang puno na tinatawag na aspen. Tumutubo ang aspen mula sa isang buto at nagdidikitdikit ang mga ugat nito. Kapag naghiwa-hiwalay na ang mga ugat at naarawan saka pa lamang tutubo ang mga sanga at dahon nito. Sa tulong ng pagkasunog ng gubat, pagbaha o pagguho ng lupa, maghihiwa-hiwalay ang mga ugat nito.
Tumutubo ang puno ng aspen sa pamamagitan ng mapaminsalang mga pagbabago sa kapaligiran nito. Sinabi naman ni Santiago na apostol ni Jesus na nakakatulong din ang mga pagsubok sa buhay para tumatag ang pananampalataya sa Dios. Sinabi niya, “Magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang” (SANTIAGO 1:2-4 MBB).
Mahirap maging masaya sa tuwing nakakaranas tayo ng mga pagsubok. Pero mapapanghawakan natin ang katotohanan na ginagamit ng Dios ang mga pagsubok sa ating buhay upang lalong tumatag ang ating pananampalataya sa Kanya.