Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong nasaksihan ko ang pagkamatay ng kapatid ng aking kaibigan. Habang nag-uusap kaming tatlo sa isang kuwarto ng ospital, unti-unti nang nahirapang huminga ang kapatid ng aking kaibigan. Nilapitan namin siya at sama-sama idinalangin. Sa kanyang huling hininga ay naramdaman pa rin namin ang pagmamalasakit ng Dios sa kabila ng aming pagluha at kalungkutan.
Nakaranas din ang mga kilalang tauhan sa Biblia ng kabutihan at pagmamalasakit ng Dios hanggang sa kanilang kamatayan. Isang halimbawa nito ay si Jacob na nagsabing “malapit na [niyang] makasama ang mga kamaganak [niya] sa kabilang buhay” (GENESIS 49:29-33). Sinabi din ng anak ni Jacob na si Jose sa kanyang kapatid na malapit na siyang mamatay at pinayuhan sila na maging matatag sa kanilang pananampalataya sa Dios. Mapayapang namatay si Jose at hinahangad na magtitiwala sa Panginoon ang kanyang mga kapatid (GENESIS 50:24).
Hindi natin nalalaman kung kailan at paano tayo mamamatay. Pero makakaasa tayo na kasama natin ang Panginoon kapag dumating na ang oras na iyon. Mapagkakatiwalaan natin ang pangako ni Jesus na maghahanda Siya ng isang lugar para sa atin sa bahay ng Kanyang Ama (JUAN 14:2-3).