Minsan, nabasa ko ang isinulat ng kaibigan ko na nakaraos sa mga pinagdaanan niyang pagsubok. Sinabi niya, “Napakaraming nagbago at nakakatakot ang mga pagbabago. Walang nananatili, lahat nagbabago." Totoo naman iyon. Sa loob nga lang ng dalawang taon, marami na ang mangyayaring pagbabago. May pagbabago sa trabaho, may bagong kaibigan, may magkakasakit at may mamamatay. Mabuti man o masama, maaaring mangyari anumang oras ang mga pangyayaring babago sa ating buhay. Ang nakapagbibigay naman sa atin ng lakas ng loob ay ang malaman na hindi nagbabago ang Dios.
Ito rin ang sinasabi sa Lumang Tipan ng Biblia, “Hindi magbabago [ang Dios] at mananatili [Siyang] buhay magpakailanman” (AWIT 102:27 ASD). Ibig sabihin, mananatiling mapagmahal, makatarungan at nakakaalam sa lahat ang Dios. Ayon naman sa isang tagapagturo ng Biblia na si Arthur W. Pink, kung ano raw ang katangian ng Dios bago pa man likhain ang sangkalawakan ay gayon pa rin ngayon at hinding-hindi magbabago kailanman.
Sinabi naman sa Bagong Tipan ng Biblia, “Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Dios na siyang lumikha ng mga bagay sa langit…At kahit pabago-bago at paibaiba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Dios ay hindi nagbabago” (SANTIAGO 1:17 ASD). Mapagtitiwalaan natin ang Dios na hindi nagbabago ang mga katangian sa kabila ng mga pabagu-bago nating pinagdaraanan sa buhay. Ang Dios ang pinagmumulan ng mga mabubuting bagay at ang lahat ng Kanyang ginagawa ay mabuti.
Nagbabago man ang lahat ng bagay sa paligid natin, mananatiling namang mabuti ang Dios sa lahat ng mga nagtitiwala sa Kanya.