Pinagmamasdan naming mag-asawa ang ganda ng paglubog ng araw habang nasa tabing dagat. Marami ring mga tao doon na kumukuha ng litrato. Nasisiyahan naman ang iba na pagmasdan ang ganda ng tanawin. Nang malapit ng lumubog ang araw, namangha ang marami at nagpalakpakan pa ang iba.
Bakit kaya ganoon na lang ang reaksyon ng mga tao? May ipinahiwatig ang Aklat ng Mga Awit sa Lumang Tipan ng Biblia tungkol dito. Sinabi ng sumulat ng Awit na inutusan ng Dios ang araw na purihin ang lumikha sa kanya (AWIT 148:3). Ang sinag ng araw na sumisikat sa buong mundo ang nakakahikayat sa mga tao na purihin ang Dios.
Namamangha rin naman ang ating kaluluwa sa ganda ng mga nilikha. Hindi lang tayo mapapahinto at mababaling ang ating atensyon sa kagandahan ng nilikha ng Dios. Sa halip, nahihikayat tayo nito na makita mismo ang kadakilaan at kagandahan ng Dios.
May kakayahan ang kamangha-manghang nilikha ng Dios na mapahinto tayo at maisip kung ano nga ba ang ating pinapahalagahan sa buhay. Ipinapaalala naman ng kagandahan ng pagsikat at paglubog ng araw na may dakilang Manlilikha. Ang Dios na labis na nagmamahal sa Kanyang mga nilikha ay inialay ang Kanyang buhay para iligtas at maging maayos muli ang nasira Niyang nilikha.