Umiyak ang aming anak ng magpaalam kami sa kanyang lolo at lola na pauwi na sa bansang Amerika. Tapos na kasi ang pagbisita nila sa amin. Sinabi ng anak ko, “Ayaw kong umalis sila.” Sinabi naman ng asawa ko, “Ganyan talaga ang nagmamahal, nalulungkot kapag iniwanan.
Masakit talaga ang iwan ng ating minamahal. Naramdaman ni Jesus ang pakiramdam ng isang taong iniwan nang ialay Niya ang Kanyang buhay sa krus. Si Jesus ang Dios na nagkatawangtao, ang katuparan ng mga propesiya ng Propetang si Isaias. Inako ni Jesus ang kaparusahan sa ating mga kasalanan (ISAIAS 53:12). Sinabi naman ni Isaias na “sinugatan [si Jesus] dahil sa ating mga pagsuway” (TAL. 5 ASD). Nangyari iyon nang ipako Siya sa krus at nang sinaksak Siya sa tagiliran ng isang sundalo (JUAN 19:34). Sinabi pa ni Isaias, “Dahil sa mga sugat [ni Jesus] ay gumaling tayo” (ISAIAS 53:5 ASD).
Dahil sa pag-ibig, nagkatawang-tao si Jesus. Dahil sa pagibig, tinanggap ni Jesus ang mga pang-aalipusta ng Kanyang mga kababayan at mga sundalong romano. Dahil sa pag-ibig, nagdusa at namatay si Jesus para sa atin. Dahil sa pag-ibig, namagitan si Jesus sa Dios para sa atin. At patuloy tayong nabubuhay dahil sa pag-ibig.