Minsan, nagsalita ako sa isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus na mga taga Jamaica. Binati ko sila sa pamamagitan ng sarili nilang wika. Sinabi ko, “Wah Gwan, Jamaica?” Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nila. Nagpalapakan ang iba at ang iba nama’y nakangiting bumati sa akin.
Ang totoo isang simpleng pagbati lang naman ang ginawa ko sa kanila. Pero para sa kanila, pinapahalagahan ko ang sarili nilang wika. Hindi ko man alam ang lahat sa wika nila pero naipadama ko na mahalaga sila.
Nang magsalita naman si apostol Pablo sa mga Griyego, ipinapaalam niya na pinahahalagahan niya ang kanilang kultura. Sinabi ni Pablo, “May nakita akong altar na may nakasulat na ganito: ‘Para sa hindi nakikilalang Dios” at bumanggit pa si Pablo ng mga tula nila. Dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Pablo na maipahayag ang tungkol sa pagliligtas ni Jesus sa kaparusahan sa kasalanan. Gayon pa man, hindi lahat sa kanila ang naniniwala sa sinabi ni Pablo. Pero may ilan na nagsabi, “Bumalik ka uli rito, dahil gusto pa naming makinig tungkol sa mga bagay na ito” (GAWA 17:32 ASD).
Sa tuwing nakikisalamuha at ipinapahayag natin sa iba ang tungkol sa pagliligtas ni Jesus, naisasapamuhay natin ang sinabi sa Biblia na pagmalasakitan ang iba. Isa namang magandang paraan ang pag-aaral ng wika ng iba para maipahayag ang tungkol kay Jesus. (TINGNAN ANG 1 COR. 9:20-23).
Kung nauunawaan natin ang kalagayan ng iba, mas madaling ipahayag sa kanila ang tungkol sa pagmamahal ng Dios sa atin.